Kapuso Star Na Si Camille Prats Nagbigay Pasilip Sa Bagong Bahay Ng Kanyang Pamilya

Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas ng unang ibahagi ng Kapuso star na si Camille Prats ang pagpapagawa nila ng bagaong tahanan kung saan ito nga ang titirhan nila ng kanyang asawa at mga anak. Matagal nga ang naging konstraksyon ng pagpapagawa nila ng tahanan nilang ito,




dahil na rin sa inabot ito ng pagdaan ng krisis sa ating bansa, ngunit sa kabila nito, kamakailan nga lamang ay masaya namang ibinahagi ni Camille sa kanyang bagong vlog, na halos 100% na ngang tapos ang bago nilang tahanan at malapit na nga nila itong malipatan.

Image Credit via YouTube

Mapapanood sa bagong vlog na ini-upload ni Camille sa kanyang YouTube channel ang kanyang naging pagpapasilip sa loob ng magiging bago nilang tahanan ng kanyang pamilya, ito nga ay may titulong “YambaoHouse Update.”

Image Credit via YouTube

Sa unang bahagi ng kanyang vlog ay ibinahagi ng Kapuso star na sa wakas nga ay makakalipat na sila ‘soon’ sa bago nilang tahanan ito ay matapos ang halos dalawang taon na pagbuo sa kanilang ‘dream house’ at sa kabila ng maraming mga pagsubok na pinagdaanan nila tulad na lamang ng krisis sa bansa.

Image Credit via YouTube

Sinimulan nga na ipasilip ni Camille ang ilan sa mga bahagi ng kanilang bagong tahanan, at una na sa mga ito ay ang ‘patio’ nila kung saan niya sinimulan ang pagba-vlog. Kasunod nito ay pumasok na nga siya sa loob ng tahanan,

Image Credit via YouTube

at dito naman ay ipinakita niya na tapos na nga talaga ito at mga furniture at ilang mga kagamitan na lang ang kailangan i-install. Ibinahagi din niya na halos full glass ang buong tahanan nila, ito ay upang matanaw nila ang magandang tanawin mula sa kanilang living area.

Image Credit via YouTube

Ipinakita rin ng Kapuso star ang kanilang ‘kitchen’ na ayon sa kanya ay ang gumawa ay ang novakusina.ph. Ayon pa kay Camille ‘very soon’ ay magkakaroon siya ng kitchen reveal. Ipinakita rin niya ang mga bagong kitchen appliances na i-install sa kanilang kusina, kung saan ang mga ito nga ay naka-kahon pa, ilan nga sa mga ito ay dishwasher, microwave, rangehood, oven at iba pa.

Image Credit via YouTube

Ang sunod nga na ipinasilip niya ay ang kanilang ‘master bedrooom’ na kaagad ngang mapapansin ang pagiging malawak. Makikita rin na ito ay mayroon ng aircon at TV cabinet. Ipinasilip din niya ang master’s bathroom nila at ang kanilang magiging walk in closet ng kanyang mister na si VJ Yambao. Ibinahagi rin ni Camille ang pagkakaroon nila ng ‘towel warmer’ sa loob ng kanilang master’s bathroom.

Video Credit via YouTUbe

Ilan pa nga sa mga bahagi ng kanilang bagong tahanan na ipinasilip ni Camille ay ang balcony, family room at ang guest room na may sarili rin ngang bathroom area. Pagbabahagi pa niya, upang masigurado niya na magiging maganda ang interior ng bago nilang bahay, ay hihingi siya ng tulong sa mga eksperto dito, tulad nga ng mga interior designer.




Sa huli ng kanyang vlog ay hindi nga maitago ni Camille ang kanyang kasiyahan at excitement ngayon na sila ay malapit na ngang lumipat ng kanyang pamilya sa bagong bahay nila na ito. Saad pa niya, kapag sila nga ay nakalipat na ng kanyang pamilya at talagang maayos na ang interior ng bago nilang bahay ay muli niyang ipasisilip ito sa kanyang vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published.