Kapuso Star Na Si Glaiza de Castro Ipinasilip Ang Kanyang Spring Vacation Sa Bansang UK

Matapos na magdiwang ng Holy Week dito sa Pilipinas ng aktres na si Glaiza de Castro ay lumipad nga patungong UK ang Kapuso actress kasama nga ang kanyang Irish Husband na si David Rainey.




Sa naging pagbabalik nga ni Glaiza sa UK ay nataon na ‘spring season’ sa nasabing bansa, kaya naman para nga sa aktres ay talaga namang napaka-lucky niya dahil naabutan niya ang ganitong season sa UK. Para sa kaalaman ng lahat ang spring season sa UK ay nagsisimula ng ika-1 ng buwan ng Marso at nagtatapos sa ika-31 ng buwan ng Mayo, ito nga ay base sa meteorological calendar.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Makikita sa Instagram post ng ‘False Positive’ actress ang naging pagbabahagi niya ng kasiyahan niya na maranasan nga ang spring sa UK, kung saan ay makikita nga sa mga larawan ang pagbibida niya ng nakakarelaks na tanawin kagaya na lamang ng green grass, blooming flowers at ang blue skies.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Samantala, sa pagbisita ni Glaiza sa UK ay nagtungo nga siya sa flagship store ng British luxury fashion house, Alexander McQueen, na matatagpuan sa London’s Old Bond Street.
Siyempre sinulit din ng Kapuso actress ang bawat oras na nasa UK siya at kasama niya ang kanyang mister na si David, dahil kapag siya nga ay bumalik na sa PIlipinas ay magbabalik long-distance na naman sila.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Maliban sa pagbisita sa kanyang mister, ay kaya rin nagtungo sa UK si Glaiza ay upang dumalo ng kasal ng kanyang sister-in-law. Makikita nga sa IG ng aktres ang pagbabahagi niya ng larawan kung saan makikita nga ang kanyang fabulous looks at outfit nilang bridesmaid.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

May larawan din na ibinahagi si Glaiza, kung saan ay makikita naman na kasama niya ang mister niyang si David, na siyempre ito rin nga ang kanyang escort sa kasal nga na kanilang dinaluhan.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Isa pa rin sa talagang nagustuhan ni Glaiza sa UK ay ang naging pagbisita nila sa Belfast, kung saan luntiang tanawin ang kanyang natatanaw at preskong hangin ang dumadampi sa kanya, ay kita nga sa kanyang larawan ang kanyang ngiti na nagpapahiwatig nga ng kanyang kasiyahan sa naging pamamasyal nila sa nturang lugar.




Kitang-kita naman sa iba pang larawan na ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya sa muli niyang pagbisita sa bansang UK, lalo na ang muli niyang makapiling ang kanyang mister. Matatandaan na buwan ng Oktubre taong 2021 ng ikasal ang aktres na si Glaiza de Castro sa kanyang businessman Irish Boyfriend na si David Rainey sa Northern Ireland.

Leave a Reply

Your email address will not be published.