Karelasyon Ni Romnick Sarmenta Na Si Barbara Ruaro Isinilang Na Ang Kanilang Panganay Na Anak Matapos Ang 24-Oras Na Pag Labor

Ilang buwan matapos kumpirmahin nina Romnick Sarmenta at Barbara Ruaro na sila ay magkakaroon na ng anak, ay heto na nga at dumating na ang takdang araw na isinilang na ng indie film actress ang kanilang baby.




Kasabay nga ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day, ay isinilang ni Barbara ang baby nil ani Romnick, ito ay base na rin sa larawan na kanyang ibinahagi sa IG stories niya.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Kalakip nga ng nasabing larawan ay ang caption niya na; “After an almost 24-hours labor…. Salamat, Lord. Salamat, Nicko. Mahal na mahal ko kayo, @nicksarmenta. Mahal na mahal na mahal.” Makikita rin sa IG story ni Romnick ang naging pag-repost niya ng mensahe ni Barabar, kalakip din ang mensahe niya para rito na;

Photo Credit: bieruaro/Instagram

“Mahal na mahal ko din kayong dalawa, Barbara.” Hindi naman binanggit ng dalawa sa kanilang IG story post kung ano ang gender ng kanilang baby, at kung ano ang ibinigay nilang pangaralan rito.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Matatandaan naman na noong ika-4 ng Pebrero ay nag-post rin sa kanilang Instagram ang magka-relasyon, kung saan ay inihayag nila sa madlang pipol ang kanilang excitement na masilayan na ang kanilang first baby.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

“Happy to always be beside you @bieruaro. And excited to hold our little one. Love you so much”, sey ng ani Romnick. Samantala, maliban nga sa magiging anak ni Romnick kay Barbara, ay may nauna ng limang anak ang aktor sa dati niyang asawang si Herlene Bautista. Inihayag nina Herlene at Romnick ang kanilang paghihiwalay noong taong 2018.

Photo Credit: bieruaro/Instagram




Sa ngayon nga ay may kanya-kanya ng karelasyon sina Romnick at Herlen, dahil kung si Romnick ay may Barbara na, masaya na rin si Herlene sa piling ng boyfriend nito ngayon na si Federico Moreno, ang anak ng yumaong veteran TV host at komedyanteng si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *