Karen Reyes Proud Mommy Na Ipinakilala Ang Kanyang Dalawang Anak

Kamakailan lamang ay ginulat ni Karen Reyes ang kanyang mga tagahanga, ng sa kanyang Vlog ay ipakilala niya na ang dalawang batang kasama niya ay kanyang mga anak.




Sa inilabas ngang vlog ni Karen Reyes sa kanyang Youtube channel noong araw bago ang Mother’s day, ay isang rebelasyon sa kanyang buhay ang inamin ng dalaga. Ginulat ni Karen ang marami niyang tagasubaybay at tagahanga ng sabihin niya sa kanyang vlog na isa na siyang mommy.

Image Credit via Google  

“Ako po ay ganap ng isang mommy.”, ang naging pag-amin ng batang aktres.
Makikita nga sa video vlog na ibinahagi ni Karen, ang pagpapakilala niya sa kanyang dalawang anak.

Image Credit via Google

Una niyang ipinakilala ang kanyang anak na babae na nagngangalang Olivia, matapos nito ay ipinakilala naman ng dalaga ang pangalawa niyang anak na si Lucas, isang lalaki.
“For today’s video meron lang po akong ipapakilala sa inyo na dalawa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko st sila yung talagang nagpabago ng buhay ko.

Image Credit via Google

And I’m so happy and I’m so proud na ipapakilala ko na sila ngayon,” saad ni Karen sa video.
Matatandaan na si Karen ay naging housemate’s ng Pinoy Big Brother House (PBB), bago pa man siya talagang nakilala sa industriyang kinabibilangan niya ngayon.

Sa pag-amin ni Karen sa kanyang vlog na siya ay may dalawang anak na, ibinahagi din nito ang ilang detalye tungkol sa kanyang mga anak. Tulad na lamang kung kailan ipinanganak si Olivia at Lucas.

Ayon sa dating PBB housemates, ang kanyang panganay na si Olivia ay ipinanganak noong June 16, 2017, samantalang si Lucas naman ay mag-isang taon pa lamang sa July ngayong taon, dahil ito ay ipinanganak noong July 28, 2019.

Sa pagkakataon ding ito na inamin ng batang aktres na siya nga ay isa ng ganap na mommy, ibinahagi rin niya sa kanyang vlog ang dahilan kung bakit ngayon ay nagawa na niyang aminin sa publiko ang bagay na ito.




“Narealize ko na bakit kailangan ko pang matakot eh nandito na ‘yung lakas ko?Nandito na ‘yung mga nagpapalakas sa akin. Natatakot kasi ako noon yung mga judgement. Ngayon napagdesisyunan ko na finally at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ipakilala sila dahil siguro ako kasi ‘yung tipo ng tao na gusto ko ipagsigawan , ‘yung open book kasi ako,” saad pa nga ni Karen.

Para nga naman kay Karen ay nakakagaan sa pakiramdam na ipagsigawan ang isang bagay na wala namang dahilan upang ikahiya, dahil ang kanyang mga anak ay isang biyaya at isa na ngayon sa kanyang pinagkukunan ng lakas upang mas lalo pang tumapang sa mga hamon ng buhay.

Sa kasalukuyan, ay nasa isang relasyon si Karen Reyes sa vocalist ng Silent Sanctuary Band na si Sarkie Sarangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *