Karla Estrada At Kanyang Boyfriend Very Sweet Na Nagdiwang Ng Kanilang 1st Anniversary

Napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lamang ng mapa balita na may love-life na si Momshie Karla Estrada ng Magandang Buhay show.



Ngayon nga ay isang taon na pala ang lumipas, at isang taon na rin ang relasyon ni Momshie Karla sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio, kaya naman ang dalawa ay nagdiwang ng kanilang ika-1st anniversary nila bilang magkasintahan.
Ang love story nina Karla at Jam, ay nagsimula sa Tipsy Pig restaurant sa Tomas Morato, kung saan ay pareho silang naroon ng paglakas ng loob si Jam na lapitan si Karla at magpakilala rito.
Isang romantic dinner nga ang naging selebrasyon ng dalawa sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan, at ang mga larawan sa kaganapang ito ay makikita sa Instagram ni Karla.
Kalakip nga ng mga larawan, ay ipinahihiwatig rin ni Karla kung gaano siya kasaya sa unang-taon ng selebrasyon nila ni Jam sa kanilang relasyon.
“My heart tells me that true love exist! This is a year worth celebrating! [heart emoji] Happy 1st Anniversary, love. Looking forward to 800 more years with you. I love you.”
Sa mensaheng ito ni Karla, ay nagbigay rin ng sweet na mensahe ang kanyang boyfriend.
“When love is true, there is no ending. Happy 1st Anniversary Love!!! I love you!!!”
Sa pagbabahagi nga ng dalawa sa publiko ng kanilang selebrasyon sa ika-unang taon ng kanilang relasyon ay marami sa mga kaibigan nila ang talaga namang kinilig, at ang iba pa nga ay nagbigay ng kani-kanilang mga komento.
Isa nga sa mga ito ay ang best friend ni Karla, na si Vice Ganda na talaga namang hindi nagpahuli na magbigay ng kanyang mapang-asar na komento sa kaibigan.
“Magkakasunod pa dahil sa kaharutan mong yan eh!!!! Patayin mo yang mga kandila!!!! ANg landi landi mo!!!!!”
Na binigyang kasagutan rin naman ni Karla, ng; “hahahahahaha hoy!!!!!!!!!! Igniter Aaaaaaaaaaaaaa!!!!!” Narito pa nga ang ilan sa mga naging pagbati ng ilang mga kaibigan ni Karla na kinilig, para sa kanila ng kanyang boyfriend.
“Ay teka lang wait!!!! Ayiii!!! Stay happy and healthy!!! Labyu! “hala ui Congrats sa inyo love birds.” “Ang tamis!!!! Happy anniversary guys.” “Grab Eeeeee namannnnn!!! 800 years talaga?? Happy anniversary! Can’t believe it’s been a year.”



“Bagets, young love sweet love”“Pag happy ka talaga, di napapansin ang oras. Happy 1 year ate Kars and Jam!!!!” “Ayiii!!!! Kilig much for both of you…”
Marami nga ang talagang kinilig para sa love birds na sina Momshie Karla at boyfriend nito, at ang iba nga sa kanila ay inaantay na kung ano pa ang susunod na kabanata sa buhay pag-ibig ng host.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *