Kasalang Coco Martin At Julia Montes Magkano Nga Ba Ang Nagastos Ng ABS-CBN

January 16, 2012 ng umere sa telebisyon sa pamunuan ng ABS-CBN Network ang kauna-unahang teleserye na pinag tambalan at pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Halos walong taon na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin sa atin ang hindi makakalimot sa seryeng “Walang Hanggan” kung saan ay tumatak sa atin ang iconic wedding ng dalawang personalidad sa serye nilang ito.




Ang seryeng “Walang Hanggan” ay umiikot sa istorya ng pagmamahalan ng mga bidang karakter na sina Daniel (Coco Martin) at Katerina (Julia Montes). Bago pa man ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa happy ending at kasalan, maraming pagsubok ang pinagdaanan ng dalawa hanggang sa kanila itong mapagtagumpayan.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Isa nga ang seryeng ito sa talagang inaabangan ang love story nina Dalien at Katerina ng maraming manonood noon, kaya naman hindi katakataka na naging top-rated timeslot ang “Walang Hanggan”. Ang viewership average nito noon ay umabot sa 38% hanggang 40% ang nagiging ratings.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Dahil sa magandang kwento ng serye ay inabangan ng maraming tagasubaybay nito ang kahahantungan ng relasyon nina Daniel at Katerina lalo na ang magiging kasalan ng dalawang bida. At dahil sa marami itong viewers at mataas ang ratings nito nagdesisyon ang ABS-CBN na gastusin at gawing engrande ang onscreen wedding ng dalawa.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Ilang mga balita ang nagsabi na ang ABS-CBN ay gumastos ng halos Php 3M , sa wedding episode ng nasabing serye.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Sa San Agustin Church sa Manila, napili ng ABS-CBN na ganapin ang binansagang iconic wedding ng seryeng “Walang Hanggan.”

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Sa serye ngang ito naranasan ni Julia sa kanyang edad na 17-taong gulang ang maglakad patungong altar habang suot niya ang napakagandang gown na ang nagdisenyo ay si Paul Cabral. Isang horse-drawn carriage naman ang kanyang sasakyan patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang bonggang kasal.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Isinuot naman ng karakter ni Coco kay Julia ang isang infinity ring na nagsisilbing kanilang wedding rings. Ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, sa pamumuno ni Gerard Salonga naman ang nagsilbing choir sa kasalang Daniel at Katerina.

Talaga nga namang napakagarbo at engrande ng onscreen wedding na ito, dahil sa mga dekorasyon palang na ginamit ay gumatos na agad ang production staff ng halos kalahating milyong piso. Karamihan naman sa mga bulaklak na ginagamit para sa dekorasyon ay mga Cymbidium Orchids.

October 15, 2012 ng inere sa telebisyon ang wedding episode nina Coco at Julia bilang sina Daniel at Katerina, at October 26, 2012 naman inere ang huling episode ng seryeng “Walang Hanggan” na kung saan ay inabangan ito ng maraming manonood.

Umabot naman sa 45.4% naging rating ng Final episode ng naturang serye, ayon ito sa Kantar Media.

Samantala, ng kasagsagan ng shooting ng seryeng “Walang Hanggan” ay inililink na sa isa’t-isa ang magkatambal na Coco at Julia ngunit itinanggi ng dalawa na sila ay magkarelasyon.
Matapos nga ang seryeng ito, ay nasundan pa ang tambalan nina Julia at Coco.

Silang dalawa ay naging magkatrabahong muli at nagsama sa tatlong proyekto at ito ay ang pelikulang “A Moment in Time” (2013), teleseryeng “Ikaw Lamang” (2014) at ang weekly series na ‘Yamashita’s Treasure (2015).

Taong 2015 ng mapabalitang magkasintahan na sina Julia at Coco, ngunit nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa usaping ito. Nagkaroon din ng magkaibang proyekto ang dalawa nang taong ito.

Si Julia ay naging busy sa kanyang mga proyekto na tulad ng Doble Kara noong 2015-2017, at bumida rin siya sa seryeng Asintado noong 2018. Samantalang si Coco naman ay sinimulan na din ng mga panahong iyon ang pag-gawa ng teleseryeng “FPJ, Ang Probinsiyano” na mapapanood pa rin natin hanggang ngayon.




Nang magkaroon naman ng grand press conference noong 2018 ang teleseryeng Asintado, ay maraming mga katanungan ang mga reporters kay Julia at isa na nga dito ay kung ano ang totoong estado ng relasyon nila ni Coco o kung may relasyon ba sila.

“Kasi siguro, close talaga kami. Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi befor pa, magkasama na kami. Hindi siya yung, parang, after work wala na. May communication pa rin.” Ang naging paliwanag ng aktres.

Matapos na naman ang serye niyang “Asintado” ay nagbakasyon ang aktres sa Germany kung saan naninirahan ang kanyang ama. Ngunit kasabay ng pagbabakasyon ng aktres ng ilang buwan ay naging usap-usapan na, na siya ay buntis.

Noong nakaraang taon na naman, buwan ng Abril ng kumpirmahin ng isang showbiz inders na ang aktres nanganak na at ang sinasabing ama ng anak nito ay si Coco Martin. Magkaganunman, ay walang anumang pahayag na binitawan ang dalawa sa balitang ito.

October 2019 naman, ng muling nag trending sa social media si Julia dahil matapos ang kanyang pagkawala sa showbiz at pagbabakasyon ng ilang buwan ay muli siyang nasilayan ng kanyang mga taga-hanga na namimili sa isang Supermarket sa manila.

Nang dumating naman ang araw ng kaarawan ni Coco Martin, ay isa si Julia Montes sa mga nagpa-abot ng pagbati sa aktor sa pamamagitan ng pag-upload niya sa kanyang instagram account ng isang framed picture ni Coco na binigyan niya ng caption na “HBD”.




Noong December 2019 naman ay tumulong si Julia na may promote ang entry film ni Coco na 3pol Trobol Huli Ka Balbon para sa Metro Manila Film Festival.

Matapos nga ang mahabang pagbabakasyon ng aktres na si Julia Montes sa showbiz ay kinumpirma ng aktres sa pamamagitan ng press conference na siya ay magbabalik sa telebisyon at muling magkakaroon ng panibagong teleserye habang ang aktor na si Coco naman ay patuloy pa rin sa teleserye niyang “FPJ, Ang Probinsyano” na halos 4 na taon na ring umiere sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *