Kasambahay Ni Vice Ganda Nag-Iiyak Ng Biglang Mag-Away Ang Kanilang mga Amo

Marahil ay walang magawa ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez, kaya naman nito lamang nakaraan ay napag katuwaan nilang i-prank ang kanilang mga kasambahay.




Nauuso nga naman ngayon ang mga prank, lalo na sa mga celebrity, kung minsan ay mga katrabaho o kapamilya nila ang kanilang ipina-prank.

Image Credit via YouTube

Ngunit sa pagkakataon ngang ito ay ang mga kasama ni Vice sa kanilang tahanan o mga kasambahay nila ang kanyang prinank, kung saan ay hindi nga nila inasahan ang magiging reaksyon ng mga ito sa kanilang ginawang prank ni Ion.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang sa latest YouTube video ng It’s Showtime main host, ay kanyang ipinakita ang isang prank na kanilang ginawa ng dyowa niyang si Ion sa kanilang mga kasambahay.

Image Credit via YouTube

Agad namang sinabi ni Vice sa unang bahagi ng video, na ang gagawin nila ni Ion ay isa lamang prank, kaya hindi dapat mag-alala ang kanilang mga tagasubaybay.

Image Credit via YouTube

Sumunod na nga na makikita ay ang eksena kung saan ay nasa hapag-kainan na sina Vice at Ion, kung saan ay makikita ngang pinipilit ni Ion na kumain si Vice kahit sinabi na nito na ayaw nito.

Image Credit via YouTube

Hindi nga nagtagal ay bigla na lamang nagkasagutan ang magdyowa, na talagang ikinagulat ng kanilang mga kasambahay. Ipinatawag naman ni Ion ang isa nilang kasambahay, at sinabi nga dito na para sa kanya ay maalat ang pagkakaluto nito ng kanilang pagkain.

Image Credit via YouTube

Dahil nga sa ginawa ni Ion, ay ipinakita naman ni Vice na naartehan siya sa diyowa, at kunwari pa nga ay napikon siya dito. Hindi naman inaasahan ng kanilang kasambahay ang biglang nagdadabog ni Ion, na bumagsak pa nga ang isang maliit na plastic container habang ito ay nasa malapit sa refrigerator.

Image Credit via YouTube

Mas lalo pa ngang tumindi ang sagutan ng dalawa, at si Vice nga ay nagbato pa ng isang maliit na bagay sa kanilang kitchen.

Video Credit: Vice Ganda/YouTube

Hindi naman inaasahan ng host-comedian ng pagpunta niya sa kusina, ay makikita niya ang isa nilang kasambahay na si Vangie, ay napaiyak na dahil sa nasaksihan na pagtatalo nilang magdyowa.




Agad namang nga itong nilapitan ni Vice, at dito nga sinabi na ‘prank’ lamang ang kanilang ginawa. Niyakap nga niya ng mahigpit ang kasambahay na si Vangie, at humingi ng ‘sorry’ dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *