KathNiel’s Wedding Alamin Ang Isang Big Revelation Na Ibinahagi Ni Daniel Padilla Ukol Dito

Lingid nga sa kaalaman ng marami sa atin na bago napasagot ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo, ay niligawan muna ito ng ilang taon ng nasabing aktor at old school type pa nga ang ginawa niyang panliligaw noon.




Hindi nga naman lahat sa atin, ay alam kung paano nagsimula ang love story nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kaya naman talagang marami sa mga tagahanga ng dalawa ang nais makaalam nito.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

At nitong May 31, sa isang episode ng “I Feel You” ay ibinahagi ng magkasintahang Daniel at Kathryn kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

Sa naging panayam kay Kathryn ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, ay naibahagi ng aktres na una niyang na-met si Daniel sa isang guesting sa “Its Showtime.”

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

“Hindi pa kami formally introduced sa isa’t isa noon, so nagkita lang talaga. Sumasayaw pa si DJ noon. Kasama niya yung ‘Gimik’ cast, tapos ako kasama ko si John Manalo. Pero ‘yung formally na nag-meet kami, yun na yung kina-cast siya for ‘Growing Up’,” kwento nga ni Kathryn.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

Ayon naman kay Daniel, mula noon na lagi na sila nagkakasama ay lagi na rin niyang inaabangan si Kathryn sa set, na kung saan ay nagsimula na rin umano ang sikreto niyang pagtingin para rito.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

“Siyempre araw-araw mo kasama ‘yung tao. May hidden na akong pagtingin sa kanya. Eventually, you look forward sa every trabaho. Kapag pupunta ako sa trabaho, kasama na rin yung ano kaya ang mangyayari today, ano naman kaya si Kathryn ngayon,” kwento naman ni Daniel.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

Samantala, dito nga ay ibinahagi ng aktres kung ano ang mga ginawa at pinatunayan sa kanya ni Daniel upang mapasagot siya nito at mapatibok ang puso niya para rito.
“Naramdaman ko yun, nung naging consistent siya sa pagpunta sa bahay.”

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

“Old school. Niligawan din niya si Mama. Tuloy-tuloy yun, parang one-year din siyang nanligaw. “Naramdaman ko na sincere ‘yung tao, then tinanong ko si Mama. Mukhang okay naman sa kanya, so sabi ko nag-yes na ako,” dagdag pa nga ni Kathryn.

Photo Credit: #danielpadilla/Instagram

Bago pa nga mapasagot ni Daniel si Kathryn, ay idinaan niya muna ito sa ‘Old School” na panliligaw kung saan ay nililigawan ng isang binata ang magulang ng dalaga na nais niyang makuha ang sagot na “Oo” sa kanyang panliligaw.

Kaya naman talagang pursigidong niligawan ni Daniel ang Mama ni Kathryn, at isa ito sa mga naging basehan ng aktres na sagutin na din ang binata, dahil sa nakita niya ang respeto nito sa kanyang magulang maliban pa nga sa pagmamahal nito sa kanya.

Ayon din kay Kathryn ay napaka-grateful niya sa ginawa niyang pagsagot ng ‘yes’ kay Daniel, dahil bilang boyfriend niya ay malaki ang naging impluwensiya nito sa kanya lalo na pagdating sa mga insecurities niya.

“Lahat ng insecurities ko, lahat yun tinatawanan niya lang. Sinasabi niya, ‘Bakit ganyan ka mag-isip?Hindi naman yan big deal.’ Kung paano niya lang ihandle, naba-balance niya.

Kung ako lang magpapakalunod ako diyan. Siya yung nagpaparealize sa akin, kung paano i-handle ang ganyang bagay. Maganda yung influence niya sa akin doon”, saad pa ni Kathryn.

Video Credit: YouTube

Ng tanungin naman ang dalawa tungkol sa pagpapakasal, ay alam na ni Daniel kung ano talaga ang gusto nila ni Kath pagdating sa ganyang bagay. Alam din ng aktor ang mga bagay na nakita na niya, at bagay na hindi na niya dapat pakawalan pa.




Kaya naman talagang sinagot ng aktor na “ Siguro 4 years to 5 years now”, ay mangyayari na ang inaabangang kasalan ng KathNiel.

Excited na ba kayo sa kasalang ito? Abang-abang na lang tayo, dahil sa tagal at tatag ng samahan nina Kath at Daniel ay posible nga na after 4-5 years ay mangyari na ang kasalan na inaantay ng marami sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *