Kathryn Bernardo Ibinida Ang Kanyang Eleganteng Christmas Tree Ngayong Taon

Para sa kanyang mga taga-hanga at milyong followers sa kanyang Instagram ay ipinakita ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang Christmas Tree. Sa kanyang Instagram ay nagpost ang aktres ng larawan ng kanilang Christmas tree na kung saan ay dinesenyo ng sikat at magaling na event stylist na si Gideon Hermosa.

Photo Credit: bernardokath/Instagram




Makikita sa larawan ang pinakamataas na kulay Christmas Tree na may dekorasyon na nakukulayan ng puti, pilak at mga cute na polar bears. Iba’t iba ang laki ng mga polar bears na makikita na nakapalibot at naka dekorasyon sa Christmas Tree na ito nina Kathryn, na kung saan ito ay nagbigay ng kakaibang aliw at ganda dito.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ang mga larawan na ibinahagi ng aktres ay may caption na “Finally feeling the Christmas spirit inside our home! These polar bears are simply the cutest things to wake up every morning! Thank you @gideonhermosa for making time despite your busy schedule. Everyone’s feeling merrier now!”.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ramdam na ramdam na nga sa tahanan ng aktres ang paparating na kapaskuhan.
Ayon din sa aktres, masaya siya at gumagaan ang kanyang pakiramdam na sa tuwing gumigising siya sa umaga at ang napakagandang Christmas Tree nila ang kanyang nakikita.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang napakagaling na event stylist na nagbigay ng kulay at napakagandang dekorasyon sa kanilang Christmas Tree.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Sa kabilang banda naman ay nagbahagi din ng larawan ng nasabing Christmas Tree ang nagdisenyo nito na si Gideon Hermosa. Anga kanyang post naman ay may caption na “As we wave HELLO to the season of LOVE, we say GOODBYE to all the negativity and welcome happiness and joy in our lives.”

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Na kung saan ay makikita nan aka highlights ang Hello, Love Goodbye na naging isa sa blockbuster film ng aktres na si Kathryn Bernardo na tinambalan nila ng aktor na si Alden Richard.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ibinahagi din niya na noong November 24, 2019 as of 10:00 P.M ay agad nagkaroon ng 324,000 likes ang nasabing larawan ng Christmas Tree ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Ang mga larawan din ng Christmas Tree nina Kathryn na ibinahagi ng stylist nito ay may hashtag na Bearnardo Tree.




Hindi naman napigilan ng mga netizens at mga tagahanga ng aktres ang mamangha sa napakaganda at napaka unique na Christmas Tree sa bahay ni Kathryn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *