Kathryn Bernardo Inamin Na Tila Naging Tagahanga Siya Ni Marian Rivera Dahil Sa Super Ganda Nito

Hindi porke isa ng artista ay wala ng Iniidolo sa kapwa nila mga artista, dahil marami sa ating mga hinahangaang artista ngayon ay minsan na ring naging isang tagahanga.




Isa na nga sa mga ito ang ating hinahangaang si Kathryn Bernardo, kung saan ay kilala natin siya bilang isa sa pinakasikat at popular na teen actress ngayon ng kanyang henerasyon.

Image Credit via Google

Matapos nga ang naging matagumpay na proyekto ng aktres, kung saan ay nakatambal niya ang Kapuso actor na si Alden Richard, ay agad niyang inamin sa isang panayam noon sa kanya kung sino sa mga artista ng rival network ang nais niyang makasama sa isang proyekto at pelikula.

Image Credit via Google

Matatandaan nga na noong makapanayam sa Kapuso morning show na “Unang Hirit” ang “Hello, Love Goodbye” lead star na sina Kathryn Bernardo at Alden Richard para sa promotion ng kanilang pelikula ay may ilang katanungan na itinanong sa aktres.

Image Credit via Google

At ito nga ay kung sino sa mga kapuso star ang nais niyang makasama halimbawa ng magkaroon siya muli ng isang proyekto.

Image Credit via Google

Agaran ngang inamin ng Kapamilya Actress na ang napakagandang aktres na si Marian Rivera, ang nais niyang makasama sa isang proyekto dahil sa isa siya sa mga tagahanga nito.

Image Credit via Google

“Siya lang ‘yung artista na nai-starstruck ako,” saad nga ni Kathryn.
Ayon pa nga sa kanya ay si Marian Rivera, ang isa sa may “most beautiful faces” sa buong mundo dahil sa taglay nitong ganda.

Image Credit via Google

Minsan na ngang gumanap noong 2010 si Kathryn Bernardo bilang ang batang karakter ni Marian Rivera sa naging karakter nito sa Philippine adaptation ng Korean drama noon na “Endless Love” ng GMA-7. Ngunit magkaiba man, ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-krus ang landas ng dalawa sa set nito.




“Pero nagkita kami sometimes sa events,” saad ni Kathryn tungkol sa pagkrus ng landas nila ni Marian sa isang debut party noong 2014. “Sobrang saya ko no’n.” dagdag pa nga ng aktres.

Tila aabangan nga naman ng mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Marian Rivera, kung sakali nga na ang dalawang iniidolo nila ay magsama sa isang proyekto o pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *