Katrina Halili Hindi Pinagbabawalan Ang Anak Na Makita At Makasama Ang Amang Si Kris Lawrence

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na noon ay naging karelasyon ng aktres na si Katrina Halili ang sikat na singer na si Kris Lawrence. At ang matamis na pagmamahalan ng dalawa noon ay nagkaroon ng bunga, kung saan ito nga ay ang kanilang naging anak na babae, na pinangalanan nilang si Katie at ngayon nga ay nasa 8-taong gulang na.




Matapos nga ang ilang taon na naging relasyon nina Katrina at Kris Lawrence ay nauwi ito sa hiwalayan, ngunit magkaganon man ay hindi naman pinagbawalan ng aktres na maging malapit ang kanyang anak sa ama nito.

Image Credit via Google

Kahit pa nga mayroon ng bagong karelasyon ngayon si Kris at mayroon ng anak sa partner niya ngayon ngayon, ay suportado pa rin ni Katrina ang pagiging malapit ng anak niyang si Katie sa ama at maging sa kapatid nga nito sa ama.

Image Credit via Google

Ngayon nga ay may bago ng pamilya ang dating karelasyon ni Katrina Halili na si Kris Lawrence, at ito umano ay isang non-showbiz personality. Mayroon na ring isang anak ang mga ito, kung saan ayon kay Katrina ay ikinatuwa ng kanyang anak na si Katie ng malaman nito na magkakaroon na ito ng kapatid sa kanyang ‘daddy’.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Katrina, ng malaman ng kanyang anak na si Katie na ito ay magkakaroon na ng kapatid sa kanyang daddy, ay natuwa siya ikinilos nito, dahil kahit na lalaki ang magiging kapatid nito ay hinanap pa rin ni Katie ang mga maliliit na niyang damit at sinabi nga na ibibigay ito sa kanyang kapatid na lalaki.

Image Credit via Google

Matatandaan na noong makapanayan ng PEP.ph si Katrina, ay naibahagi niya na dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang anak, kaya hindi niya ito ipinagdamot sa ama nitong si Kris Lawrence.

Image Credit via Google

“Hindi ko naman talaga ipagdadamot yun, dahil hindi ako bitter” ang naging saad ni Katrina.
Dagdag pa niya, masaya siya sa buhay niya ngayon, kahit na nga ba siya ay nanatiling single, ay kasama naman niya ang kanyang anak. At masaya rin umano siya kung ano ang buhay na ngayon ng dating nobyong si Kris.

“Happy ako sa life ko. And happy din naman ako for him. Kung mahal mo rin talaga ang anak mo, bigay mo rin kung ano ang gusto niya. Gusto niya tatay niya, e, di pwede naman niya makita talaga.”




Pag-amin pa ni Katrina, alam niya na sa buhay ng kanyang anak, ay kinakailangan talaga nito ang pagmamahal at kalinga ng isang ama. At kahit nga umano hindi nag-work ang relasyon nila ni Kris, ay hindi naman niya umano ginawang palitan ito sa buhay ng kanilang anak na si Katie.

Ang anak nina Katrina at Kris Lawrence na si Katie ay nasa kustodiya ng aktres, ngunit maari naman itong makasama at mabisita ni Kris, kung kailan nito naisin basta wala ng krisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *