Katrina Halili Tinuruan Ang Anak Na Si Katie Ng Mga Gawaing Bahay

Proud ang Kapuso Star na si Katrina Halili, sa kanyang anak na babae na si Katie, dahil sa pagiging isang masipag at responsible nitong anak.



Sa naging panamayam ni Cata Tibayan kay Katrina, sa Chika Minute sa GMA news “24 Oras”, ay ibinahagi ng aktres na ngayong quarantine at mas maraming oras ang naigugol niya sa kanyang anak mas dinidisplina niya ito, at tinuturuan sa mga gawaing bahay.
Photo Credit: katrina_halili/Instagram
Ayon pa kay Katrina, ginagawa niya ito upang hindi makasanayan ng kanyang anak ang maging isang senyorita. Ilan nga sa mga gawaing bahay na sinimulang ituri ni Katrina sa anak niyang si Katie, ay ang mga simpleng gawaing bahay. Katulad na lamang ng pagliligpit ng tulugan at ang paghuhugas ng pinagkainan nito.
Photo Credit: katrina_halili/Instagram
Kwento pa ni Katrina, maaasahan na rin sa pamunas ng mga kagamitan at nagwawalis ang kanyang anak na si Katie.
Photo Credit: katrina_halili/Instagram
“Natuturuan ko po siya na tumulong sa akin dito. Like pagising niya nagpo-fold siya ng bed niya, tapos naghuhugas siya ng sarili niyang plato, nagwawalis siya pag may kalat siya. Nagma-mop rin siya, pag may kalat siya.”
Photo Credit: katrina_halili/Instagram
“Nauutusan ko siya actually tini-train ko siya. Ayoko po siya lumaki na senorita, baka mamaya tubog lang, hindi pa nagawa ng makuha, di ba? So, gusto ko lumaki po siya na marunong sa buhay niya,” ang naging pagsasaad nga ng aktres.
Photo Credit: katrina_halili/Instagram
Kwento din ni Katrina, hindi maiiwasan sa kanilang mag-ina ang minsan ay magkaroon sila ng tampuhan. Sinabi rin ng aktres kung gaano niya kamahal ang kanyang anak na si Katie.
Ipinakita naman ni Katrina, ang isang video clips kung saan makikita ang kanyang anak na si Katie na gumagawa ng mga gawaing bahay.



Marami namang mga netizens, ang humanga sa naging pagdidisiplina at pagtuturo ni Katrina sa anak niyang babae na maging responsible lalo na pagdating sa mga gawaing bahay.

 

View this post on Instagram

 

Gawaing bahay by katie Link in bio👆🏻 full video on my YT channel, Katrina halili channel

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili) on

Matatandaan naman, na noon ay naging usap-usapan ang aktres ng ipahayag niya sa publiko ang pagsuporta niya sa ABS-CBN Network na makapag-renew muli ito ng panibagong prangkisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *