Kaye Abad Buntis Na Sa Magiging Ikalawang Anak Nila Ng Asawang Si Paul Jake Castillo

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa kanilang mga kapamilya, kaibigan at tagahanga, na ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay may panibagong biyaya na natanggap.




Madadagdagan na nga nag miyembro ng kanilang pamilya, dahil ngayon ay ipinagbubuntis ni Kaye ang magiging ikalawang anak nila ng kanyang asawa.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Parang kailan nga lamang ng ipinagbubuntis ni Kaye ang kanyang unang anak anak na si Joaquin, at ngayon nga ay magiging isa na itong kuya, dahil sa paparating na panibagong baby sa kanilang pamilya.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Ibinahagi nga ni Kaye ang good news na ito, sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanyang panganay na anak na si Joaquin, na masayang masaya habang hawak-hawak ang isang sonogram photo.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Kalakip ng larawan ay ang caption na inilagay ng aktres, na tila base sa reaksyon ng kanyang panganay na anak. “Yey! I’m going to be a kuya! #AnotherBlessing.”
Kitang-kita nga naman sa reaksyon ni Joaquin na napakasaya nito na malaman na siya’y magkakaroon na ng kanyang kapatid.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Makikita naman sa comment box ng post na ito ng aktres, ang naging pagbuhos ng maraming “congratulatory message” mula sa mga kaibigan nila sa industriya.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Kabilang nga sa mga nagbigay ng kanilang masayang pagbati para sa mag-asawa na magkakaroon na muli ng supling ay sina, Mariel Padilla, Jodi Sta. Maria, KitKat Favia at Dianne Medina.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Maging ang mga netizens at mga tagahanga ng dalawa ay nagpa-abot rin ng kanilang pagbati. At narito nga ang ilan sa mga naging mensahe ng mga netizens;
“Congrats to both of you. What a lovely family.”

Photo Credit: kaye_abad/Instagram




“I like Kaye ever since she was started in showbiz she is simple with a beautiful heart. Down to earth walang kaarte-arte.”“Wow naman, so cute naman at excited na ako na makita si baby talaga.”“Sh0ck Sss happy for jake and jake can’t wait update nyo kami please.”

“Boy o girl man yan support and very loved talaga siya congrats kaye and paul jake”
Masayang masaya nga ang lahat para sa mag-asawa, at kitang kita nga sa mga komento ng mga netizens na ang iba sa kanila ay excited ng masilayan ang magiging panibagong miyembro ng pamilya nina Jake at Kaye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *