KC Concepcion Ibinahagi Sa Kanyang Social Media Ang Closeness Nila Ng Kanyang Amang Si Gabby Concepcion

Isa ang aktres na si KC Concepcion na hinahangaan ng marami sa atin, malikban kasi sa kanyang taglay na kagandahan at husay sa pagiging isang aktres ay kilala rin siya bilang nag-iisang anak ng dalawang popular na artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.




Si KC ay ang nag-iisang anak ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Bata pa lamang siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang, at nang siya nga ay magka-isip na at pumasok na sa showbiz ay naging bukas na rin siya sa publiko na tungkol sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Samantala, kahit naman namulat si KC na hiwalay ang kanyang ina at ama o sa isa ngang ‘broken family’, ay lumaki naman siya na maayos at hind inga nagtanim ng anumang sama ng loob sa kanyang mga magulang kung saan ay mas lalo pa nga siyang naging isang anak na mapagmahal sa mga ito.

Image Credit via Google

Sa kanya ngang social media account ay ibinahagi ni KC kung gaano kaganda ang relasyon niya sa amang si Gabby Concepcion. ibinahagi nga niya ang larawan nilang mag-ama, kung saan ay makikita na kabis ang kasiyahan nila at pagiging malapit sa isa’t isa.

Image Credit via Google

Kalakip nga ng larawan na ito ay ang pagpapasalamat ng akres sa pagkakataon na muli silang nagkasama ng ama, at nagkaroon muli ng oras na makapag-bonding, bilang pambawi sa mga nawalang oras sa kanila.

Image Credit via Google

“Papa Cool and down to earth, a joker, a guy’s guy, our #GirlDad – s0 much time lost, but so so much, regained”, ani KC. Dagdag pa niya, “I thank God for our phone calls, deep sea dates, nature explorations, talking till we fall asleep. Truly grateful to the universe for keeping our love alive.”

Image Credit via Google




Kamakailan nga lamang ay nagdiwang si KC ng kanyang ika-36 taong kaarawan, kung saan ito nga ay kanyang ipinagdiwang sa Batangas kasama ang pamilya ng kanyang ama.
Ibinahagi rin niya kung gaano siya kalapit sa kanyang mga half-sister na sina Samantha at Savanna.

“Truly grateful for this family time together. No frills, just love”, ani ng aktres.
Sa kabila nga ng hindi lumaki si KC na buo ang pamilya, ay masaya naman ang aktres ngayon sa kanyang buhay, dahil mas nagkaroon siya ng mas malaking pamilya ngayong pareho ng may kanya-kanyang pamilya ang kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *