KC Concepcion Sinorpresa Ang Inang Si Sharon Cuneta Sa Noche Buena Matapos Ang Isang Taong Hindi Sila Nagkita Dahil Sa Tampuhan

Sa pagdiriwang ng bisperas ng Pasko, habang abala sa pag-aayos ng mga handa sa Noche Bueana, ay hindi inaasahan ni Mega Star Sharon Cuneta, na darating sa kanilang tahanan ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.




Ayon sa naging ulat ng Bandera Showbiz Chika Balita, isa-isa umanong kinukunan ni Sharon ang mga handa sa kanilang dining table, ng biglang banggitin ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na naroroon na si KC at may dala-dala itong turkey.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Binati ni KC si Sharon ng “Hi mom”, at ang tanging naisagot naman ni Shawie ng makita ang panganay na anak ay “Oh, hi”, sabay halik. Sa pagkikita at pagkakasama ngang muli na ito ng mag-ina, ay nagdulot ito ng kakaibang sigla sa kanilang dalawa.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Ibinahagi nman ni Mega Star Sharon Cuneta, sa kanyang social media account, ang mga larawan nilang mag-anak, kung saan ay mababakas ang kanyang kasiyahan dahil kasama niya ang panganay niyang anak na si KC.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Caption nga ni Sharon sa larawan ay; “Christmas Eve 2020. And a nice surprise.”
Matatandaan na ang mag-inang KC at Sharon, ay halos isang taon na ring nagkaroon ng tampuhan, ngunit ngayon ay makikita nga na tila maayos na muli silang dalawa.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Ang gaganda nga ng mga larawan na ibinagi ni Sharon sa kanyang Instagram, dahil kumpleto at masaya silang buong pamilya. Kinuwento naman ni Mega Star na ngayon lang sila nagkita uli ng kanyang panganay na anak.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

“It’s a nice Christmas, God has been so good. The last time I saw KC before tonight was exactly 1 year aho, Christmas eve last year and surprised us (sabay lingon kay KC), she’s there taking videos. It’s a happy Christmas.”

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram




Samantala, makikita rin naman sa IG account ni KC Concepcion, ang naging pagbabahagi nito ng larawan nila ng kanyang ina, at throwback photo nila noong siya ay bata pa.

Kalakip ng mga larawan na ito ay ang caption ni KC, kung saan ay mababakas sa kanya ang kasiyahan niya na muling makita at makasama ang ina niyang si Sharon. “A quiet, peaceful and heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!”, saad ni KC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *