Kean Cipriano Inamin Na High School Pa Lamang Siya Ay Crush Niya Na Ang Naging Asawa Niyang Si Chynna Ortaleza

Sa naging pagdiriwang ng ika-38 taong gulang na kaarawan ni Chynna Ortaleza , ay isang nakakakilig na sweet na mensahe ang ibinahagi ng asawa nitong si Kean Sepreano sa Instagram account nito, kung saan ay nagbigay kilig ang mensahe niyang ito sa maraming nga tagahanga nilang mag-asawa at mga netizens.




Maliban pa nga sa sweet na mensaheng ito, makikita rin sa naturang post ng Calla Lily Frontman ang naging pag-amin niya na bago pa man niya maging asawa ang host-actress na si Chynna Ortaleza, ay crush niya na talaga ito noong siya ay high school pa.

Image Credit: kean/Instagram

Dagdag pa nga ni Kian, naalala niya na noong taong 2004 ay pinanood pa niya ang pelikula ni Chynna sa isang mall habang kasama niya ang kanyang mga magulang.
“‘Yung joke na bata pa lang ako, pinapanood na kita, totoo yun sa akin.”

Image Credit: kean/Instagram

“Naaalala ko, birthday ko dati, pinanood namin ng parents ko yung Kuya na pelikula sa Ever Gotesco. Crush na crush kita sa pelikulang ‘yon. Isa ‘yon sa paborito kong barkada film.”
Matapos ang naging pag-amin na ito, ay ibinahagi rin ni Kian kung gaano siya kasaya na ngayon ay kasama na niya si Chynna sa kanyang buhay, at ito nga ay ang kanya ng katuwang.

Image Credit: kean/Instagram

“Tapos ngayon….kasama na kita every single second ng buhay ko.” Kasabay nga ng pag-amin na ito ng frontman singer ng Calla Lily, ay ang naging pagbati niya para sa asawang si Chynna para sa pagdiriwang ng ika-38 taong gulang nakaarawan nito.

Image Credit: kean/Instagram

“Happy birthday my love @chynsortaleza!You deserve to be happy. Praying for your good health, wealth, peace of mind and calmness.” “Andito lang ako palagi para sayo, I love you”, ang naging pagbati ni Kian para sa asawang si Chynna.

Image Credit: kean/Instagram




Matatandaan na taong 2015 ng aminin nina Chynna Ortaleza at Kian Sepreano ang kanilang relasyon.

Image Credit: kean/Instagram

At makalipas nga ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan ay nagpakasal na ang dalawa, at ngayon nga ay nanatiling matatag ang kanilang pagsasama bilang asawa, lalo pa’t sila ay mayroon ng dalawang anak. Ang dalawang anak nina Kian at Chynna, ay mga cute na cute na sina Stellar at Salem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *