Kean Cipriano May Napakatamis Na Mensahe Sa Asawang Si Chynna Ortaleza Noong Kanilang Ika-5 Anibersaryo Bilang Mag-asawa

Kamakailan nga lamang, ay ipinagdiriwang ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang kanilang ika-5 taong anibersaryo bilang mag-asawa.




At dahil dito, ay isang mensahe para sa asawa niyang si Chynna, ang ibinahagi ni Kean sa kanyang social media account, kung saan ay nilalaman nito kung gaano niya na-appreciate ang asawa, mula ng maging nobya niya ito, hanggang sa maging asawa.

Photo Credit: kean/Instagram

Makikita nga sa facebook ni Kean, ang mensahe niyang ito para sa asawa;
“4 months kitang maging girlfriend, 1 month naging fiancée.
Tapos kinasal after 6 months, simula maging tayo.

Photo Credit: kean/Instagram

Ngayon Ilang taon na kitang asawa. Pero sa dami at tindi ng pinagsamahan natin, feeling ko 20-years na”Ayon pa nga kay Kean, ay talaga namang napaka-swerte niya, dahil siya ang napangasawa ni Chynna, at kasama niya ito sa kanyang buhay ngayon.

Photo Credit: kean/Instagram

Inamin rin ni Kean, na hindi niya naranasan sa mga dati niyang karelasyon, ang kasiyahan at pagmamahalan na mayroon sila ngayon ng kanyang asawang si Chynna.

Photo Credit: kean/Instagram

Samantala, sa Instagram account naman ni Chynna Ortaleza, ay nagbahagi rin ito ng isang matamis na mensahe para sa asawang si Kean, para nga sa pagdiriwang ng kanilang ika-5 anibersaryo bilang mag-asawa.

Photo Credit: kean/Instagram

Sa naging mensahe ni Chynna, para kay Kean, ay muli nitong binalikan kung paano nagsimula ang relasyon nila, hanggang sa silang dalawa nga ay maging mag-asawa na.

Photo Credit: kean/Instagram

“Huwag mag-alala, ako’y nandito na. 5 years love. I told you in a kitchen today that by far these have been the most eventful years of my life”, ang naging saad ng ani Cynna para sa asawang si Kean, sa kanyang IG post.

Photo Credit: kean/Instagram

Ayon pa nga kay Chynna, sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay, ay nanatiling hinahawakan ni Kean ang kanyang kamay, at ito ang laging nagbibigay lakas ng loob sa kanya.

“No matter how difficult the jump, thank you for pushing me off the cliff. You always find a way to hold my hand through it anyway.”

“And even if you forget to hang your towels & tie up the plastic of our sliced bread, know that I am committed to keep on reminding yo to do so!” Ibinahagi rin ni Chynna, ang mga ginagampanang ‘role’ ni Kean sa kanilang relasyon, dahil maliban sa pagiging isang mabuti at responsableng ama nito sa kanilang mga anak, ay isa rin itong best friend, critic, co executive at mapagmahal na asawa sa kanya.

Nagpasalamat rin si Chynna sa Panginoon, sa naging pagbubuklod nito sa kanilang dalawa ni Kean.

“Mahal ka namin Panginoon. Salamat sa pagbubuklod sa aming dalawa”, ang naging saad nga ni Chynna. Sa mensahe ngang ito ni Chynna, ay nag-reply ang kanyang asawang si Kean, kung saan isa itong maikling mensahe, ngunit puno ng pangako ng pagmamahal at katapatan.




“Till death we do as part”, ang naging matamis na sagot ni Kean sa mensahe ng asawa para sa kanya. Makikita naman sa mga larawan ng mag-asawa, na ang kanilang pagsasama ay talaga namang puno ng saya, at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Kaya naman sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ay nabigyan na sila ng Diyos ng dalawang anak, na mas nagpatibay pa sa kanilang pagsasamang mag-asawa.
Matatandaan na ang mag-asawang Kean at Chynna, ay ikinasal noong taong 2015.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *