Kelsey Merritt Ang Kauna-Unahang Pinay Na Rumampa Sa Victoria’s Secret Fashion Show

Kelsey Merritt, kauna-unahang Pinay na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show Kilala tayong mga Pinoy sa iba’t-ibang larangan hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Kakaiba ang ganda at talento ng mga Pilipino kung kaya’t marami ang nahuhumaling sa atin. Maliban pa rito, gustong-gusto rin ng mga dayuhan ang kakaibang pag-uugali at kultura ng mga Pilipino.




Bagama’t ganito, may mga Pinoy at Pinay pa ring hindi nadiskubre ang natural na karisma at alindog. Marami sa ating mga kababayan ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa para hanapin ang sarili at abutin ang kanilang mga pangarap. Marami na ring mga kababayan natin ang nagtagumpay sa ibang bansa sa kani-kanilang larangan. Kabilang dito ay sina Lea Salonga, Lani Misalucha, at ang iba pang designers at taga-gawa ng mga gown katulad ni Michael Cinco. Sa larangan naman ng pag modelo, kakaunti pa lamang ang nagtagumpay na mga Pinoy sa ibang bansa.

Isa sa mga pinaka prestihiyoso ng grupo ng mga modelo sa buong mundo ay ang Victoria’s Secret Angels. Ito ay grupo ng mga kababaihang dumaan sa masidhing pagsasala bago makapasok bilang isang Angel. Ang kabilang sa grupong ito ay pangarap ng bawat babae. Maliban sa mga oportunidad na maibibigay nito, kasikatan rin ang sasalubong sa iyo.

Bilang isang Pilipino, karangalan ng buong Pilipinas na magkaroon ng isang Pinoy na kabilang sa Victoria’s Secret Angels. Sa kauna-unahang pagkakataon, may isang Pinay na nakapasok sa Victoria’s Secret Angel. Si Kelsey Merritt ang kauna-unahang Pinay na modelo na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show.

Nobyembre 8 ng nakaraang taon nang rumampa si Kelsey sa relihiyosong Victoria’s Secret Fashion Show na ginanap sa New York City sa Amerika. Kasama niyang rumampa ay ang tanyag na mga modelo na sina Adriana Lima, Behati Prinsloo, at Candice Swanepoel.
Talaga nga namang kahanga-hanga ang ganda ng mga Pinay!

 




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *