Kilala Niyo Pa Ba Ang Dating Aktres Na Si Joyce Jimenez Ganito Na Ang Kanyang Buhay

Marami ang magagandang bagay na makukuha mo sa pag-aartista. Nandiyan ang kasikatan, maraming pera, at kung anu-ano pa. Ngunit, kalakip ng mga ito, babawiin sa’yo ng showbiz ang pribadong buhay. Bilang isang artista, babantayan ng mga tao at mga media ang bawat galaw. Maaari ka ring nasangkot sa iba’t-ibang isyu. Bagama’t may mga taong tinitiis ang mga ito, may mga artista namang piniling iwan ang showbiz at mamuhay ng pribado kasama ang kanilang pamilya.

Photo Credit: Joyce Jimenez/Google




Isa sa mga hinahangaang artista noong dekada 90 hanggang 2000 ay ang sexy actress na si Joyce Jimenez. Hindi naman nagtagal ang kanyang kasikatan dahil bigla na lamang naglaho si Joyce Jimenez. Nasaan na ba ngayon si Joyce Jimenez? Ipinanganak bilang Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic, binansagang “Pantasya ng Bayan” noon si Joyce dahil sa kanyang ibang klase ng alindog. Umusbong ang kanyang karera noong dekada 90 hanggang 2000s at lumabas rin siya sa mga pelikula katulad ng: Warat, Ano Ba Ang Meron Ka, Narinig Mo Na Ba Ang Latest at ang Pinay Pie.

Photo Credit: Joyce Jimenez/Google

Matapos naman ang kanyang huling pelikula, naisip niyang lisanin ang showbiz. Sa kasalukuyan, pamilyado na si Joyce. Siya ay kasal sa isang Miyembro ng US Air Force na si Paul Ely Egbalic. Apat na rin ang anak nila na sina Jorja, Ely, Jaysen Elise, at Julian Ellison. Maliban pa rito, may degree rin ang dating aktres mula sa Australia at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang office supervisor sa Amerika kung saan sila naninirahan ng kanyang pamilya. Bagama’t nilisan na niya ang showbiz, wala naman raw siyang pagsisisi sa kaniyang desisyon.

Photo Credit: Joyce Jimenez/Google
Photo Credit: Joyce Jimenez/Google

Patunay lamang ito na kahit artista ka, hinding-hindi mapapantayan ng kahit ano mang kasikatan o yaman ang buhay ng isang pribadong tao at ang pagmamahal ng isang pamilya. Base na rin sa kanyang mga litrato sa kanyang social media account, mukhang naman si Joyce kasama ang kanyang asawa at ang kanilang apat na anak na naninirahan ng pribadong buhay sa Amerika.

Photo Credit: Joyce Jimenez/Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *