Kilala Nyo Pa Ba Si Sheryn Regis Ang Naging 1st Runner Up Noon Sa Star In A Million

Matagal-tagal na rin ng huli nating mapanood sa telebisyon o mga concert ang 1st Runner Up sa Star in a Million noong 2003 na si Sheryn Regis.




Tulad ng ilang mang-aawit ay talagang hinangaan si Sheryn ng maraming netizens dahil sa kanyang napakaganda at pinakamataas na boses.

Photo Credit: sherynregis/Instagram

Ngunit sa kabila ng nagsisimulang tagumpay ng karera ni Sheryn sa industriya ng showbiz bilang magaling na singer, ay bigla na lamang siya nawala sa industriya ng hindi pagbibigay ng kahit anumang dahilan ng kanyang pagkawala.

Photo Credit: sherynregis/Instagram

Marami pa rin sa mga tagahanga ni Sheryn ang nagtatanong at nais malaman kung ano nga ba ang totoong dahilan ng pagkawala sa showbiz ng singer.

Photo Credit: sherynregis/Instagram

Sa ngayon ay sa Amerika na naninirahan si Sheryn, ngunit kamakailan lamang, buwan ng Oktubre ng siya ay muling bumisita dito sa ating bansa at nagkaroon ng ilang show sa Metro Manila.

Photo Credit: sherynregis/Instagram

Ayon kay Sheryn ay masaya siya na muling makabisita sa bansa, at muling makita ang kanyang mga kapamilya at kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Photo Credit: sherynregis/Instagram

Sa isang naganap na press conference sa show na ginawa ni Sheryn, ay sinabi nito ang dahilan kung bakit ngayon lang siya muli nakabalik sa ating bansa at nakita sa telebisyon.
Ayon sa singer, ay iniwan niya ang singing career niya dito sa ating bansa dahil taong 2010, ay nag migrate sila ng kanyang pamilya sa Houston, Texas.

Dumaan rin umano siya sa isang surgery, kung saan ay lubos siyang nakaramdam ng pangamba na baka matapos ang surgery niya ay maapektuhan ang kanyang boses at hindi na siya muling makabirit sa pagkanta.

Isa rin sa ikinatakot niya ay ang maiwanan niya ang kanyang asawa at anak, kaya naman lubos ang kanyang pagpapasalamat ng siya ay makarecover sa Big C at dahil dito ay mas lalo pa niyang narealize na mas bigyan ng halaga ang kanyang pamilya.

Nagpasalamat din siya dahil hindi naapektuhan ng surgery ang boses niya, at nakaka-awit pa rin siya ng mga awitin na may mataas na tono.

Para rin kay Sheryn ay napaka-grateful niya sa kanyang anak, dahil sa bawat sandali na nasa tabi niya ito ay mas lalo siyang naging matatag at malakas na harapin lahat ng pagsubok na kanyang nararamdaman.

Ayon din sa Pinay singer, kahit pa nga ba lumaki sa United States ang kanyang anak ay pinalaki niya ito sa pag-uugaling Pinoy.




Maliban din sa pakanta-kanta din ni Sheryn sa US, ay tinupad niya rin dito ang isa sa kanyang pangarap at ito ay ang maging isang guro.

Ngayon nga ay nagtatrabaho rin bilang part-time Preschool teacher si Sheryn, at ito ay talagang nagpapaligaya sa Pinay singer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *