Kilalanin Ang “Adopted Son” Ni Sharon Cuneta Na Kanilang Ipinagmamalaki Ngayon

Marami sa atin ang talagang naapektuhan ngayon ng Pandemic na Covid-19, saan mang sulok ng mundo ay apektado na ng kumakalat na virus na ito. Magkaganon man, ay ipinakita naman ng pangyayaring ito na sa kabila ng magkaka-ibang lahi ay maaaring magtulungan ang bawat isa upang malampasan natin ang hirap na dulot ng salot na ito.




Tulad na lamang ng isang Syrian Vlogger na anak-anakan ni Sharon Cuneta, na buong pusong nagbibigay ng ayuda para sa mga kababayan nating sobrang apektado ng Covid-19 Pandemic.

Image Credit via Instagram

Dahil sa ginagawang tulong ng kanyang “adopted son” sa ilang kababayan natin na apektado ng Covid-19, ay proud na proud si Mega Star Sharon Cuneta sa ginagawa nito.

Image Credit via Instagram

Kinilala ang anak-anakan na ito ni Sharon na si Basel Manadil, isang vlogger na kilala sa social media bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”. Isa lang naman siya sa napakaraming dayuhan dito sa ating bansa, na sobrang minahal na ang Pilipinas at ang mga Pinoy kaya naman itinuturing na rin siya bilang “adopted son of the Philippines.”

Image Credit via Instagram

Nitong nakaraan nga lamang ay ipinagmalaki ni Sharon ang pagtulong na ginagawa ni Basel sa mga Pinoy. Karaniwan itong ginagawa ng Syrian vlogger kapag may mga krisis o kalamidad na pinagdadaanan ang ating mga kababayan, agad rin siyang namamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.

Image Credit via Instagram

Kamakailan nga lamang ay namahagi si Basel ng mga kahon na may mga lamang gulay, na kung saan ay ipinakita niya sa kanyang Instagram post na siya pa mismo ang punong-abala sa pag-aayos at pagprepare nito.

Image Credit via Instagram

“Buying tons of vegetables to give away to our Kababayan. I’m having a break from giving canned goods, mas masustansya kung kakain po tayo ng gulay and at the same time we help farmers by buying their products.”

Image Credit via Instagram

“I manage to buy second hand boxes, made them myself and repacked everything in 1 day. Simpleng kontribusyon ko sa mga Pilipino na aking tinuring na kababayan”, Saad ni Basel sa kanyang Instagram post.

Image Credit via Instagram

Hiling naman ni Mega Star Sharon Cuneta, na sana ay dumami pa ang tao na tulad ng kanyang “adopted son” na sa kabila ng pagiging ibang lahi nito ay talagang itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang ating bansa at tila dugong Pinoy ang nananalaytay sa kanya dahil sa ipinaramdam niyang pagmamahal para sa marami nating kababayan.

Image Credit via Instagram

Sa kanyang Instagram ay ipina-abot muli ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa anak-anakan na Syrian vlogger, dahil sa taos-puso nitong pagtulong sa mga naapektuhan ng Covid-19, lalo na sa mga kababayan natin na nawalan ng hanap-buhay at pati na rin sa mga kababayan nating itinuturing nating fronliners sa gitna ng pandemic na ito.

“I’ve made friends with a few other Youtubers. Some are here, some non-Pinoy. You must visit and watch the vlogs of my new “adopted son”, Basel of @thehungrysyrianwanderer.
“He is from Syria and has lived in Manila for around 7 years now.

You will be touched by his heart to help ‘his’ Kababayan’s in his adopted country”, pahayag ni Mega sa kanyang Instagram na may kalakip na larawan ni Basel na kuha sa isa nitong relief operation.

“Mapapahiya ka kung Pilipino ka at wala ka man lang natulungan kahit isang tao. Siya pang foreigner ang tulong ng tulong”, dagdag pa nito. “We have been in touch for about a month now. He has an Instagram account too but please watch his YouTube vlogs. Good job, son!




“God will bless you more and more. You have a beautiful heart. Thank you for loving all of us Filipinos! Lots of love, Inay.” Saad pa nito.

Makikita naman na sumagot sa post ni Sharon ang Hungry Syrian Vlogger, at ipinangako pa nito na soon ay makikipag-collaborate siya sa susunod na vlog ni Mega Star.
“Thank you, Inay. I will join your vlog soon hehe.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *