Kilalanin Ang Aktor Na Nagpapasaya Sa Buhay Pag-Ibig Ngayon Ni Dawn Chang

Si Dawn Chang ay isa sa mga kilalang miyembro ng GirlTrends, kung saan ito ay grupo ng mga kababaihan na magaling sa pagsasayaw na napapanood natin noon sa “It’s Showtime”.



Bago pa man naging kilalang miyembro ng GirlTrends ay unang nakilala si Dawn ng publiko maging housemates siya sa Pinoy Big Brother 737, kung saan kabilang siya sa naging Big 4, at siya ang ika-apat.
Image Credit via Google
Mas naging popular pa nga sa publiko si Dawn ng kagiliwan na siya sa kanyang galing sa pagsasayaw sa telebisyon, kung saan ay madalas niyang nakakapareha sa passionate dance moves ang Hashtag members at fellow housemates niya sa PBB noon na si Zeus Collins.
Image Credit via Google
Dahil sa angking galing sa pagiling at pagsasayaw ay talaga namang marami ang mapapa-ibig kay Dawn, kaya naman hindi kataka-taka na ang isang kilalang aktor na ito ay nabihag ang puso sa dalaga.
Image Credit via Google
Sa isang naging panayam noon ni DJ Jhai Ho kay Dawn, ay inamin ng dalaga na nagde-date sila ng aktor na si Justin Cuyugan. At ng tanungin nga siya kung ano ang nagustuhan niya sa aktor ay ito ang naging pahayag ni Dawn; “Yes we’re dating. It’s safe to say we are together.”
Image Credit via Google
“Pwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgement. Siya yung taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin.”
Image Credit via Google
Sa ngayon nga ay in a relationship na nag dalawa, ngunit kahit pa nga ba makikita sa mga larawan sa kani-kanilang Instagram account kung gaano sila kasaya sa piling isa’t isa ay hindi pa naman nagpapakasal ang dalawa.
Image Credit via Google
Ang 38-taong gulang na aktor na si Justin Cuyugan ay mayroon ng tatlong anak, at ito ay sa dati nitong karelasyon, ngunit batid ito ni Dawn at hindi ito naging hadlang para hindi sila maging masaya sa kanilang relasyon ngayon.



Pinatunayan ni Dawn sa publiko kung gaano siya kasaya sa relasyon niya kay Justin ngayon, matapos nito magbahagi ng sweet message para sa aktor.
Image Credit via Google
Marami naman sa mga kaibigan at tagahanga ni Dawn ang naging masaya para sa kaligayahan na nararamdaman ng dalaga ngayon sa kanyang buhay pag-ibig sa piling ng nobyong aktor na si Justin Cuyugan. Tingan pa ang ilan sa mga nakakakilig na larawan nina Dawn at Justin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *