Kilalanin Ang Aktres Na Naging Ultimate Crush Ng Aktor Na Si Piolo Pascual Noon

Maituturing na isa sa pinaka-successful na aktor sa industriya ng showbiz ang 34-taong gulang na si Piolo Pascual. Ito ay dahil sa hindi lang siya kilala bilang isang magaling na aktor, kundi maliban dito ay isa rin siyang singer, modelo, direktor at producer.



Ayon nga sa ilang mga ulat, ang total net worth ng aktor noong 2019 ay umabot sa $1-5 million.
Photo Credit: piolo_pascual/Instagram
Batid rin natin, na ilang mga naggagandahang aktres na rin sa showbiz ang nakarelasyon ng gwapong aktor, at ang mga ito ay sina Pops Fernandez, Kc Concepcion at Rica Peralejo.
Photo Credit: piolo_pascual/Instagram
Matatandaan naman na noong Oktubre 2016, ay naging usap-usapan na ang aktor umano at ang aktres na si Shaina Magdayao, ay mayroong espesyal na relasyon. Ito ay matapos mapansin ng ilan ang kanilang pagiging sweet habang sumasayaw sa dinalupihan bilang isang ball.
Photo Credit: piolo_pascual/Instagram
Tunay nga naman na nakaka-akit ang angking kagwapuhan ni Piolo Pascual, ngunit sa kabila naman nito ay nanatiling “single” ngayon ang aktor.
Photo Credit: inaraymundo95/Instagram
Maliban naman sa mga babaeng aktres na nakarelasyon ng aktor noon, alam niyo ba na noong “college days” niya pala ay mayroon na siyang hinahangaang aktres sa showbiz at ito nga ay walang iba kung hindi ang napakaganda at sexy na si Ina Raymundo.
Photo Credit: inaraymundo95/Instagram
Ayon nga kay Piolo, siya at si Ina Raymundo ay naging “schoolmates” noong sila ay parehong nag-aaral ng kolehiyo sa UST (University of Sto Tomas), kung saan parehong kurso rin ang kanilang kinukuha at ito ay ang AB General Education.
Photo Credit: inaraymundo95/Instagram
Dahil sa kahanga-hangang ganda at kasexyhan na taglay ni Ina Raymundo, ay isa si Piolo sa talagang namang humanga rito. Kung saan inamin ng aktor, na noon nga ay ini-stalk niya si Ina kapag napapadaan ito sa hallways ng kanilang campus.
Photo Credit: inaraymundo95/Instagram
Inamin rin ni Piolo Pascual, na dahil sa wala siyang lakas ng loob na ligawan noon si Ina Raymundo, ay nanatili na lang siyang tagahanga nito, na pasulyap-sulyap rito.



Nang malaman naman ni Ina Raymundo ang naging pag-amin na ito ng aktor, ay hindi naman napigilan ng aktres na kiligin at muntik na umano nito makalimutan na siya ay may asawa’t mga anak na.
Si Ina Raymundo, ay isa sa pinaka-seksi at nag-gagandahang aktres sa showbiz, lalo na ng kanyang henerasyon. At maging ngayon na siya’y may asawa at mga anak na, ay taglay pa rin nito ang kaseksihan at ganda na tila hindi kumukupas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *