Kilalanin Ang Aktres Na Ultimate Crush Ng Aktor Na Si John Lloyd Cruz

Nagka-crush ka na ba? Malamang “Oo”, kasi halos lahat naman tayo, ay dumaraan sa pagkabata, kung saan nauuso ang salitang “crush”. At aminin man natin o hindi, sa ating buhay ay mayroon talaga tayong naging “Ultimate Crush”.



Kahit pa nga ba ang mga sikat na celebrity na ating hinahangaan ay nagkaroon rin ng “crushes” sa kanilang buhay, katulad na lamang nga ng isang aktor na umamin na isa sa mga aktres sa showbiz ang talagang naging “Ultimate Crush” niya noon.
Isa sa mga pinaka-prominadong aktor ng kanyang henerasyon ay ang gwapong aktor na si John Lloyd Cruz.
At kahit pa nga ba, halos dalawang taon rin nating hindi nasilayan sa telebisyon si JLC dahil sa naging paninirahan nito sa Cebu, kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto at dating karelasyon na si Ellen Adarna, ay hindi pa rin talaga kumukupas ang taglay na karisma ni John Lloyd.
Marami sa atin ang nakaka-alam ng mga babaeng nakarelasyon ng aktor sa kanyang buhay, at ilan nga sa kanyang mga nakarelasyon ay mga kilalang aktres rin sa showbiz.
Ngunit alam niyo ba? na mayroon palang naging “Ultimate Crush” sa showbiz si John Lloyd? At ito nga ay talagang hindi pa nalalaman ng marami sa atin.
Matatandaan na taong 2013 sa isang naging panayam ni John Lloyd, ay inamin nito sa publiko kung sino nga ba ang naging ultimate crush niya. Ito rin yung mga panahon na sila pa ng aktres na si Angelica Panganiban.
Ngunit kahit nasa isang relasyon noon, ay matapang na inamin ni JLC kung sino ang babaeng kanyang crush sa showbiz. Ayon nga kay JLC, ang aktres na crush niya sa showbiz ay mas matured sa kanya, pero hindi naman umano kailanman naging isyu para sa aktor ang agwat ng edad.
Inamin nga ni John Lloyd sa naging panayam sa kanya, na ang kanyang Ultimate Crush ay walang iba kundi ang aktres na si Mylene Dizon, ngunit hindi naman binanggit ng aktor ang mga dahilan kung ano ang nagustuhan niya sa nasabing aktres.



Isa nga ito sa mga ilang detalye lamang sa buhay ng aktor na hindi masyadong nabigyan ng pansin.
Si Mylene Dizon, ay isang aktres na kilala sa kanyang pag-ganap ng mga “strong character” sa mga proyekto at pelikula na kanyang kinabibilangan. Siya ay dating asawa ng aktor na si Paolo Paraiso, kung saan sila ay mayroong dalawang anak na lalaki.
Ano nag masasabi niyo sa naging pag-amin ni JLC sa aktres na naging Ultimate crush niya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *