Kilalanin Ang Anak Na Babae Ng Beteranong Aktor Na Si Senator Lito Lapid Na Pinasok Na Rin Ang Showbiz

Taong 80’s at 90’sng sumikat at maging popular na aktor sa industriya ng showbiz si Lito Lapid. Ang kanyang mga unique stunts sa mga action movies na kanyang ginawa ay talaga namang hinahangaan ng maraming mga manonood. Isa pa nga sa kahanga-hanga sa aktor ay ang galing nito sa paghawak ng baril at pangangabayo.



Hanggang ngayon ay isang aktor pa rin si Lito Lapid, ngunit bihira na lamang natin siyang napapanood sa mga pelikula sa telebisyon dahil sa abala siya ngayon sa pagiging isang senador ng ating bansa.
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
Ngunit alam niyo ba? na ang isang anak na babae ni Lito Lapid ay sumunod na rin sa yapak ng kanyang ama at pumasok na sa industriya ng showbiz?
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
Si Maria Ysabel Ortega-Lapid o mas kilala na ngayon ng publiko bilang Ysabel Ortega, ay ang anak ni Lito Lapid sa kanyang partner noon na si Michelle Ortega.
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
Katulad ng kanyang inang si Michelle, ay isang makinis at magandang dilag din ang dalaga. At dahil nga nasa genes na ang pagiging maganda at pagiging isang artista ay nagsisimula na ring makilala ang kanyang pangalan sa industriya.
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
16-taong gulang lamang si Ysabel ng magsimula siya sa showbiz industry, ito ay dahil sa nais niya talagang sundan ang yapak ng kanyang mga magulang at upang maipakita na rin ang natatago niyang talento sa pag-arte. At kahit nga bata pa siya nagsimula sa industriya ay na-overcome niya naman ito at unti-unti na nga siyang naging successful rito.
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
Una siyang naging young talent ng ABS-CBN Network, kung saan ay nagkaroon siya rito ng love triangle role sa pagitan ng popular na loveteam sa nasabing network.
Photo Credit: ysabel_ortega/Instagram
Katulad ng kanyang ina, ay magaling rin umawit si Michelle at tulad naman ng kanyang ama ay magaling rin ang dalaga sa paghawak ng baril na talagang namana niya ang mga ito sa kanyang mga magulang.



Lumaki si Ysabel sa piling ng kanyang inang si Michelle, ngunit kahit hindi na magkasama ang kanyang mga magulang ay malapit siya sa kanyang amang si Lito Lapid. Ang kanyang ama rin umano ang kanyang role model kaya siya pumasok sa industriya ng showbiz.
Matapos nga ang ilang taon niyang pagiging talent ng ABS-CBN Network, ay nagdesisyon ang dalaga na lumipat sa rival network GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *