Kilalanin Ang Anak Ng Aktor Na Si Joko Diaz Na Sasabak Na Rin Sa Pagiging Isang Artista

Bilang isang aktor at magulang ay magkahalong saya at pangamba ang nadarama ni Joko Diaz, dahil ngayon na ganap ng isang dalaga ang kanyang anak na si Ashley Diaz ay alam niya na haharap na sa mga panibagong buhay ang kanyang anak lalo na at nais nitong sumunod sa kanyang yapak bilang isang artista.




Bilang isang anak ng artista at magaling na aktor, ay tila namana nga ni Ashley sa kanyang ama ang potensyal nito sa pagiging isang aktres.

Image Credit via Google

Sa taglay niyang magandang mukha, lalo na sa kanyang new looks ngayon sa pagkakaroon niya ng “short hair cut”, ay talaga naman bumagay ito sa naturang ganda ng dalaga na hinangaan lalo ng mga netizens sa kanya.

Image Credit via Google

Sa kanya ngang social media account ay nagbago ang dalaga ng kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang new hair cut na may kalakip na caption na “Hello”.
Marami sa mga netizens ang nabighani sa bagong hitsura at hairstyle ng dalaga na hindi maikakaila na anak nga talaga siya ng isang artista dahil sa mala-artista din niyang mukha.

Image Credit via Google

Makikita rin ang pagiging malapit ng ni Ashley sa kanyang ama, sa katunayan noong mag-celebrate ng kaarawan ang amang si Joko Diaz ay nagbahagi si Ashley ng isang sweet na mensahe para sa minamahal na ama.

Image Credit via Google

Samantala, pagdating naman sa karerang tinatahak ngayon ng naturang anak ni Joko, ay patuloy namang nakasuporta sa kanya ang ama na kahit kailan ay hindi siya iniwan at pinabayaan sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Matatandaan nga na noong handa ng sumabak sa pag-aartista si Ashley upang pasukin ang mundo ng showbiz ay kasama nito ang amang si Joko sa pagperma nito sa kontrata.

Image Credit via Google

Hindi naman maikakaila na isang mapagmahal at supportive na ama si Joko sa kanyang anak. Panibagong mukha ngang muli ng isang Diaz, ang masisilayan natin ang talento sa telebisyon.




Si Joko Diaz ay kilala bilang mahusay na aktor noong dekada 80 sa industriya, lalong-lalo na sa kanyang naging pagganap bilang kontrabida sa mga teleserye at pelikula.

Isa nga sa mga tumatak na karakter na ginagampanan ni Joco, ay ang pag-ganap niya bilang si “Hector” , na kontrabida sa inaabangang serye noon tuwing hapon sa Kapamilya Network na “Kadenang Ginto” . Matatandaan rin na nagk-anak ang aktor sa aktres na si Angelu De Leon, at ito ay si Nicole De Leon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *