Kilalanin Ang Anak Ng Mag Nobyong Bugoy Cariṅo At EJ Laure

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ni Bugoy Cariṅo, ay ipinakilala na rin nito at ng kanyang GF na si EJ laure, ang kanilang anak sa publiko na si Scarlet.



“Happy to have family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!”, ang naging saad ni Bugoy sa kanyang Instagram.
Image Credit via Google
Si Bugoy Cariṅo ay dating miyembro ng sikat na male dance group sa It’s Showtime, na “Hashtag” at siya rin ang itinanghal na grandwinner noon ng Star Circle Kid Quest 2009.
Image Credit via Google
Samantala, sa Twitter account naman ni EJ Laure, ay makikita ang naging mga bahagi nito ng mensahe para sa kanyang parter, kalakip ang mga video nilang dalawa, kasama ang kanilang baby.
Image Credit via Google
“Happy Birthday Mahal…. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni Baby Scarlet! We love you so much, daddy!”, saad naman ni EJ.
Image Credit via Google
Si EJ Laure, ay isa sa mga sikat na manlalaro ng volleyball noon ng UST Tigresses, kung saan siya ay dating captain ball din nito.
Image Credit via Google
Siya ay mas nakilala pa bilang isang magaling na volleyball player, dahil sa kanyang dominant tenure sa University of Santo Tomas volleyball team sa UAAP Juniors, kung saan siya ay nakatanggap ng MVP award, noong Season 76.
Image Credit via Google
Dahil sa naging pagpapakilala ng magkasintahan sa kanilang anak na si Scarlet sa publiko, ay naging trending nga sa Twitter ang pangalang “EJ Laure” at “Bugoy.” Nakatanggap naman ang dalawa ng pagbati mula sa kani-kanilang mga kaibigan at kaklase, para sa panibagong yugto ng buhay na magkasama nilang haharapin bilang mga magulang ni Scarlette.
Image Credit via Google
Matatandaan na taong 2018, ng maging usap-usapan na si EJ Laure ay buntis, at ang ama nga nito ay ang BF nitong si Bugoy, ngunit hindi inamin ng dalawa na totoo ang spekulasyon na ito.



Nagsimula ang spekulasyon ng publiko na buntis si EJ Laure, ng huminto ito sa paglalaro ng volleyball, kung saan ay ang sinabi nitong dahilan noon ay dahil sa kanyang “shoulder injury” kaya siya huminto sa paglalaro. Samantala, si Bugoy naman, ay hindi na rij kabilang sa noontime shoe’s all-male group na “Hashtags.”
Nang mga panahong lumabas ang balitang pagbubuntis ni EJ Laure, ay 15-taong gulang pa lamang ang batang aktor, samantala ang GF nitong si EJ ay 19-taong gulang naman noon.
Isa lamang nga si Bugoy Cariṅo, sa mga showbiz personalities, na sa murang edad ay ganap ng isang magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *