Kilalanin Ang Anak Nina Buboy Villar At Angillyn Serrano Gorens Na Overload Sa Kakyutan

Hindi maikaka-ila ang pagiging isang mahusay na aktor ni Buboy Villar, kaya naman agad ring nakilala sa mundo ng showbiz ang kanyang pangalan.




Unang nakilala si Buboy Villar ng publiko ng siya ay mag-audition sa Little Big star ng ABS-CBN, at dahil sa kinakitaan siya agad ng potensyal maging isang magaling na artista, ay naging posible nga sa young actor, ang mapasok ng mundo ng showbiz.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Maliban sa kanyang magandang karera bilang isang aktor, ay naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Buboy.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Taong 2016, ng i-anunsyo ni Buboy sa publiko na siya ay mayroon ng karelasyon, at ito nga ay ang napakagandang Amrican national na si Angilyn Serrano Gorens, na sa kabila ng pagkakaroon ng dugong dayuhan, ay dito naman ito lumaki sa ating bansa.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Mas lalo pa ngang naging makulay at masaya ang pagsasama nina Buboy at Angilyn, ng isilang ni Angilyn ang kanilang unang anak noong ika-30 ng Agosto 2017, na pinangalanan nilang si Vlanz Karollyn, isang kyut na kyut na baby girl.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Dahil sa sobrang kaligayahan ni Buboy sa pagdating ng kanyang prinsesa, at pagbibigay nito sa kanya ng pagkakataon na maging isang ama, ay talagang proud na proud ang aktor sa kanyang kyut na baby girl.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Makikita naman sa social media account ni Buboy, ang madalas nitong pagbabahagi ng mga milestone ni baby Vlanz.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Ayon nga sa ilang mga source, si baby Vlanz ay pinabinyagan noong ika-24 ng Disyembre taong 2017, at una itong nasilayan ng publiko noong araw ng Pasko ng naturang taon.

Photo Credit: buboyvillar/Instagram

Dahil sa mabilis ang paglipas ng panahon, ay talagang sinusulit ni Buboy ang pagkabata ng anak niyang si Vlanz. Hindi niya pinapalampas ang precious moments kasama ito, at tuwing kaarawan nga nito, ay lagi silang nakasuporta, bilang mga magulang, at ipanadarama dito ang labis nilang pagmamahal.

Makikita nga sa mga larawan ni baby Vlanz, na habang lumalaki ito ay mas lalo pang lumalabas ang taglay nitong kakyutan, at pagiging isang magandang bata, na hindi maikakaila na nagmana ng kagandahan sa kanyang ina.

Maliban nga kay Vlanz, ay may pangalawang anak na rin sina Bubot at Angilyn, at ito nga ay si baby George na isinilang noong taong 2019, sa bansang Amerika.




Samantala, noong buwan ng Oktubre 2019, ay umugong ang balita na matapos ang apat taong relasyon nina Buboy at Angilyn, ay nauwi na sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa. At ayon nga sa ulat, ay may katotohanan ang balitang ito, at pareho umanong desisyon ng dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon.

Ang dalawang anak nina Buboy at Angilyn, na sina Vlanz at George, ay nasa poder ngayon ng ina ni Angilyn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *