Kilalanin Ang Artistahin At Napaka Gandang Anak Ni Mayor Isko Moreno

Ilang buwan pa lamang matapos ang kanyang pag-upo bilang bagong alkalde ng Maynila, nakuha na agad ni Mayor Isko Moreno ang puso at atensyon ng mga tao sa buong bansa dahil sa kanyang matatapang na reporma para sa Maynila. Marami na agad ang kanyang nagawa sa loob pa lamang ng ilang buwan niyang panunungkulan bilang alkalde katulad ng paglilinis ng mga noo’y masikip na kalye ng Maynila. Maliban pa rito, ipinagtuos rin ni Mayor Isko sa mga kapulisan na linisin na rin ang mga iligal na gawain na nangyayari sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google




Mas lalo pa siyang kinatuwaan ng mga tao dahil sa kaniyang mala-jologs na lenggwahe. Hindi na rin ito nakapagtataka dahil alam naman nating naging batang kalye. Batang kalye ang kanyang sitwasyon noong bago siya madiskubre bilang artista at pumasok sa mundo ng showbiz noong kanyang kabataan. Matapos ito, pinili ni Isko na pagsilbihan ang mga tao kung kaya’t iniwan nito ang showbiz at pinasok ang mundo ng pulitika.

Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google
Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google

Bagama’t laging nasa harap ng kamera, lingid pa rin sa kaalaman ng mga tao ang buhay-pamilya ni Mayor Isko. Maaaring maisip natin na baka wala na siyang oras para sa kaniyang pamilya lalo pa’t alkalde na siya ngayon. Ngunit hindi natin alam, isa pala siyang mapagmahal na asawa kay Diana Lynn Ditan at responsableng ama kina Vincent Patrick.

Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google
Photo Credit: frances diane domagoso moreno/Google

Joaquin Andre, Franco Dylan, Drake Marcus at sa kanilang unica hija na si Frances Diane.
Katulad ng kanilang ama, balak raw ng pangalawang anak ni Isko na si Joaquin na pumasok sa showbiz. Sa katunayan, kasama ito sa mga gumanap sa isang episode ng Ipaglaban mo.

Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google
Photo Credit: frances dianne domagoso moreno/Google

Pero para sa kanyang unica hija na si Frances Diane, mataas ang bakod niya para rito. Sa isang panayam noon kasama si Boy Abunda, natanong siya kung ano ang kaniyang maaaring sabihin sa lahat ng balak manligaw sa kanyang anak, limang salita lamang ang nagsabi nito.  “Mayor ang tatay no’n ha!” Namana rin ni Frances ang kagandahan niya sa kanyang tatay. Hindi naman talaga natin maipagkakaila na kahit may edad na, talagang may dating pa rin si Mayor Isko.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *