Kilalanin Ang Babaeng Bumihag Sa Puso Ng Komedyanteng Si Jerald Napoles

Ang nakatagpo ng isang taong magpapadama sa atin ng kahulugan ng tunay na pag-ibig ang isa sa mga pinapangarap natin sa ating buhay. Lubos nga naman ang kasiyahang iyong nadarama kung isa ka na sa mga taong natagpuan ang tunay na pag-ibig na iyong hinahanap.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram




At kapag ito’y iyo ng natagpuan ay hindi mo na ito nanaisin ng magwakas, at ang nais mo lamang ay ang mapanatili ang tamis ng iyong pag-iibigan at pagtibayin ang relasyong inyong nasimulan.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Ang komedyante/aktor na si Jerald Napoles ay isa sa mga taong pinangarap matatagpuan ang babaeng tatanggapin at mamahalin ang personalidad na meron siya. At para sa komedyante ay natagpuan na niya ang babaeng kanyang hinahanap, ang babaeng handang tanggapin ang kabuuan ng kanyang pagkatao at ito ay walang iba kung ang aktres/singer na si Kim Molina.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Sa isang naging panayam kay Jerald ay ibinahagi nito na limang taon na silang masayang nagmamahalan ni Kim Molina. Sinabi rin ng komedyante na sa limang taong relasyon nila ng singer/aktres ay marami na din ang pinagdaanan nilang kontrobersiya, ngunit sa kabila ng mga iyon ay nananatili pa rin nila ng matatag ang kanilang relasyon at pagtibayin pa lalo ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Matatandaan na unang nagtagpo ang dalawa sa isang Musical Theatre na “Rak of Aegis” kung saan ay dito din nabighani si Jerald sa magandang pag-awit ni Kim, dito rin umano nagsimula ang komunikasyon nila sa isa’t-isa.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Hindi naman daw agarang nagkaroon ng relasyon ang dalawa, at nagsimula muna sila sa magandang pagkakaibigan upang kilalanin ang isa’t-isa.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Samantala may kumakalat na naman na usapin na di umano ay ginagamit ni Jerald ang kasikatan ng kanyang nobyang si Kim na agaran naman mg itinanggi ng “Ang Probinsyano” cast. Ayon sa kanya ay batid niya na mas kilala at sikat ang kanyang nobya ng si Kim kaysa sa kanya at simula pa lang daw ay alam na niya na gusto ni Kim na maabot ang pinapangarap niyang kasikatan.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Ipinag Walang Kibo na lang din ni Jerald ang issue na diumanoy nagseselos ang nobya kay Ivana Alawi, dahil alam naman daw nila pareho na walang dapat ipag selos si Kim dahil pareho silang tapat sa isa’t-isa.

Inamin din ng komedyante na sa kanilang relasyon ng nobya ay ito ang mas magulo at ito rin ang mas mahilig magpakita ng totoo nitong damdamin. Masaya namang sinabi ni Jerald na para sa kanya ay ang nobyang si Kim na talaga ang babaeng nakalaan para sa kanya.




Dahil ito daw ang babaeng nagpakita sa kanya na siya ay may halaga at babaeng nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Swak din daw ang kombinasyon nilang dalawa, kumbaga ‘Perfect Match’ sila ayon kay Jerald kahit pa nga magkaiba ang mundong kanilang kinalakihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *