Kilalanin Ang Babaeng Dahilan Ng Masayang Buhay Pag-Ibig Ng Aktor Na Si Michael De Mesa

Isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang husay sa pag-arte lalo na sa pagganap ng mga kontrabida roles ay si Michael de Mesa. Ngunit sa kabila ng nakikita natin na pagiging kotrabida ni Michael de Mesa sa kanyang mga ginagampanan na karakter, ay malayo naman ito sa sa personal niyang pagkatao sa tunay na buhay.




Makikita sa mga ibinabahaging larawan at bidyu ng aktor sa kanyang Instagram account na ang kanyang totoong personalidad sa tunay na buhay ay hindi ang ugali ng mga kontrabidang kanyang ginagampanan sa mga serye o pelikula na ginawa niya, dahil sa tunay na buhay nga siya ay masayahin, kalog at mapagmahal sa kanyang asawa at mga anak.

Photo Credit: mdemesa24/Instagram

Para sa kaalaman ng lahat si Michael de Mesa ay dating kasal sa actress-director na si Gina Alajar, taong 1978 ng maganap nga ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong mga anak, ito nga ay sina Geoff, Ryan at Aj Eigenmann. Sa kabila naman ng 23-taon na pagsasama, hindi nagtagal ay nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

Photo Credit: mdemesa24/Instagram

Matapos ang naging hiwalayan sa dating asawa, makalipas ang ilang taon muling nakahanap ng babaeng magpapatibok sa kanyang puso ang aktor. At ito nga ay ang kanyang asawa na ngayon na si Julie Reyes-Eigenmann, na isang dancer-choreographer.

Photo Credit: mdemesa24/Instagram

Ikinasal noong taong 2011 sa bansang Amerika ang mag-asawang Michael at Julie, at sa kabila ng 13-taong pagitan ng edad nila sa isa’t isa, dahil si Michael ay edad 60 na samantalang edad 47 naman si Julie ay hindi naman ito naging hadlang para sa kanilang pagmamahalan.

Photo Credit: mdemesa24/Instagram

Taong 2010 ng magdesisyon silang mag-asawa na manirahan na sa bansang Amerika, ngunit makalipas ang limang taon, nagbalik sa Pilipinas ang dalawa noong taong 2015 ito nga ay dahil sa nami-miss nila ang kanilang mga anak ganun rin ang buhay sa Pinas.

Ayon sa ilang mga ulat, ang mag-asawang Michael at Julie ay madalas na magbakasyon at mamasyal sa iba’t ibang lugar o bansa, ngunit ngayong panahon nga ng [email protected] ay hindi nila ito nagagawa.

Para naman mapanatili ang malusog na pangangatawan nilang mag-asawa ay naging bonding na nila Michael at Julie ang pagpunta sa Gym upang mag-ehersisyo. Kung wala naman sa gym, ay nagsasayaw silang dalawa sa loob ng kanilang tahanan bilang ehersisyo rin nila.




Samantala, hanggang ngayon ay aktibo pa rin bilang isang aktor si Michael de Mesa, at sa katunayan nga ay patuloy natin siyang napapanood sa kinabibilangan niyang serye sa telebisyon na “FPJ’s Ang Probinsyano” ang longest-running primtime ng Kapamilya channel.

Noon namang buwan ng Setyembre noong nakaraang taong 2020 ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Michael at Julie ang kanilang ika-9 na taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *