Kilalanin Ang Babaeng Iniharap Ni Gardo Versoza Sa Altar Na Siyang Bumihag At Nagbigay Kulay Sa Buhay Pag-Ibig Ng Aktor

Kilala bilang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz si Gardo Versoza. Mula ng mapabilang sa mundo ng showbiz at maging isang aktor, ay ilang mga karakter na ang kanyang ginampanan sa mahigit 40 pelikula at iba’t ibang palabas sa telebisyon na kanyang kinabibilangan.




Dahil sa kanyang husay bilang isang artista, hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa ring aktor si Gardo Versoza, at patuloy pa ring namamayagpag ang kanyang karera.
Maliban naman sa magandang takbo ng kanyang karera, ay makulay rin ang buhay pag-ibig ni Gardo Versoza.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Natagpuan nga niya ang labis na kaligayahan sa piling ng babaeng nagpapatibok at bumihag sa kanyang puso, at ito nga ay walang iba kundi si Ivy Vicencio, ang kanyang maganda at mapagmahal na maybahay.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Bago pa man humantong sa pagpapakasal sa Gardo at Ivy, ay 13-taon muna silang naging magkarelasyon. At noon nang buwan ng Pebrero taong 2019, ay naganap ang naging wedding proposal ni Gardo sa kanyang longtime partner.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Ilang buwan nga lamang ang lumipas, ay ikinasal na ang dalawa, at ito ay isang simpleng seremonya lamang na naganap sa El Kabayo Stables sa Floridablanca, Pampanga noong ika-18 ng Mayo 2019.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Marami sa mga nakakakilala kay Gardo, ang ikinagulat ang naging pagpapakasal nito, dahil noon pa man tuwing ito’y pakikipanayam ay bukas ito sa pagsasabi ng pagiging alangan niya sa usaping pagpapakasal.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Ngunit tila nga, kapag tunay na pag-ibig na ang natagpuan ay nagbabago ang pananaw ng isang tao, katulad na nga lamang ni Gardo, na marahil ay natagpuan na sa kanyang asawang si Ivy, ang hinahanap hanap niyang tunay na pag-ibig kaya naman ito ay kanyang pinakasalan.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naging simpleng pag-iisang dibdib ng dalawa. Masasabing simple dahil sa imbes na wedding gown at suit ang suot nila Gardo at Ivy, ay mas pinili nilang isuot ang sport outfit sa araw ng kanilang kasal.

Photo Credit: gardo_versoza/Instagram

Kitang-kita rin sa larawan ang kasimplehan ng kanilang naging altar, kung saan ay dalawang upuan at lamesa lamang ang nakalagay sa stage.




Ang biking group na Cupcake Bikers 143 naman ang ilan sa mga nakasaksi sa masayang yugto ng buhay na ito ng dalawang nagmamahalan.

Sa ngayon nga ay mayroon ng bunga ang masayang pag-iibigan nila Gardo at Ivy, at ito nga ay ang kanilang nag-iisang anak na si Deity Uziel na tinatawag nila na kanilang ‘little Machete’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *