Kilalanin Ang Babaeng Kapatid Ni Daniel Padilla Na Si Roanna Padilla

Hindi nga naman lingid sa kaalaman ng mga tagahanga ng Teen King na si Daniel Padilla na ang aktor ay may mga kapatid sa parehong side ng kanyang ina at ama, matapos ang mga ito ay maghiwalay at magkaroon ng sari-sariling buhay.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram




Magkakaroon pa man kahit na magkaiba ang kanilang ama o ina, ay itinuturing ni Daniel na kapatid na buo ang kanyang mga kapatid sa parehong side. Ilan na nga sa kanyang mga half-siblings ay nakilala na natin ng ang iba sa kanila ay mafeature na sa iba’ibang entertainment site.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram

Ngayon ay ang isa na namang kapatid ni Teen King Daniel Padilla ang naging usap-usapan sa social media. Ito ay ang kanyang older-sister na si Roanna Padilla.
Si Roanna Padilla ay ang 27-years old na ate ni Daniel, na kung saan ay malapit sa Teen King at sa nobya nitong si Kathryn Bernardo kahit pa sila ay hal-siblings lamang. May mga larawan ang tatlo na magkasama na makikita ang pagiging close nila.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram

Kapatid ni Daniel si Roanna sa kanyang amang si Rommel Padilla at ang ina naman nito ay ang asawa na ngayon ni Rommel na isang non-showbiz na si Anabelle Antonio.
Ngayon ay usap-usapan si Roanna sa kanyang social media account na Instagram na may 85,000 followers dahil sa kanyang angking ganda at marami ang nagsasabi na pwedeng pwede siyang mag-artista katulad ng kanyang kapatid na si Daniel at amang si Rommel.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram

Ang kanyang magandang lahi ay nagmula sa mga Padilla na kung saan ay magaganda at gwapo, at dahil din ang kanyang ina ay isang haf-German at half-Filipino.
Ngayon ay kasalukuyang nasa Australia si Roanna kung saan doon niya ineenjoy ang kanyang buhay, sa pagtatrabaho at pag gawa ng mga bagay na nais niyang gawin.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram

Sa kanyang instagram account ay makikita na si Roanna ay isang design consultant at nagpapatagpo ng sarili niyang RP Interiors Company, makikita rin dito ang kanyang mga likhang interior decorating photo.

Photo Credit: padillaroanna/Instagram




Muli nga naman bang madadagdagan ang mga Padilla na nasa showbiz industry? Matatagpuan din kaya ni Roanna ang kanyang sarili na isa na ring aktres sa mga susunod na taon?

Photo Credit: padillaroanna/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *