Kilalanin Ang Babaeng Kasama Sa Litrato Ng Aktor Na Si John Lloyd Cruz

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, na ang aktor na si John Lloyd Cruz, ay dating may relasyon sa aktres na si Ellen Adarna, kung saan ang pagkakaroon nila ng relasyon dito ang naging dahilan upang pansamantala niyang iwan ang showbiz, at piliin ang mamuhay na malayao sa harap at kinang ng kamera.




Matatandaan na halos, nasa dalawang taon rin ang naging relasyon ng dalawa, bago pa man nga ito nauwi sa hiwalayan. Silang dalawa, ay nagkaroon pa ng anak, isang lalaki na pinangalanan nilang si Elias Modesto.

Image Credit via Google

Samantala, kahit na hiwalay na nga ang dating magkarelasyon, ay sinisigurado naman nila na ginagampanan nilang mabuti ang pagiging magulang sa kanilang anak na si Elias.

Image Credit via Google

Halos nasa isang taon na nga ang lumipas, matapos ang naging hiwalayang John Lloyd at Ellen Adarna, at ngayon nga ay mayroong naging usap-usapan na tila nakapag-move on na ang aktor, at mayroon na umanong bagong babae na nagpapatibok sa puso nito ngayon.

Image Credit via Google

Ang usapin ng ito ay nagsimula, dahil sa naging pagkalat ng larawan ni John Lloyd sa social media, kung saan ay may isang Cebuanang babae siya na madalas makasama, na tila mahilig din sa pagmo-motor tulad niya.

Image Credit via Google

Umagaw naman sa pansin ng mga netizens ang larawan na ito ng aktor at ng naturang babaeng kinilalang si Jet Lee na madalas niyang nakakasama.

Image Credit via Google

Dahil sa nakitang komportable ang dalawa sa isa’t isa sa kanilang mga larawan, ay maraming mga netizens, ang nag-isip kung ang babaeng ito na nga ba ang bagong babae na nagpapatibok sa puso ni John Lloyd Cruz.

Image Credit via Google

Marami naman sa mga tagahanga ng aktor, at maging sa mga netizens, ang nagbigay ng positibong komento tungkol sa usapin na ito. Kung saan ayon sa kanila ay suportado nila ang kanilang idolo, lalo na’t nakikita nila rito na masaya ito , sa kung ano man ang namamagitan sa kanila ng babaeng madalas niyang nakakasama.




Makikita naman sa social media account ni John Lloyd at ng naturang babae, na aktibo sila pareho sa pagbabahagi ng mga larawan na kasama ang isa’t isa,

ngunit magkaiba man, ay nanatili namang wala silang komento sa kung ano man ang nababalitang estado ng relasyon nilang dalawa.Sa tingin niyo, si Jet Lee na nga ba ang babaeng nagbibigay kulay ngayon sa buhay pag-ibig ni John Lloyd?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *