Kilalanin Ang Babaeng Naging Parte Ng Nakaraan Ni Coco Martin Na Nais Maging Parte “FPJ, Ang Probinsiyano

Ang seryeng “FPJ, Ang Probinsyano” ay ang kauna-unahang television action drama series na patuloy na namamayagpag sa Philippine television.

Image Credit via Google




Halos nasa ikaapat na taon na ngang napapanood sa ating mga telebisyon ang nasabing action series, at ilang mga datihan at baguhang artista na rin ang napabilang dito bilang mga guest star.

Image Credit via Google

May mga ilang artista rin na unti-unti ng nawala sa showbiz ang muling natukungan ng serye at naibalik ang karera dahil sa pagkakaroon nila ng pagkakataon na mapasama sa mga karakter ng “Ang Probinsyano.”

Image Credit via Google

Marami nga sa mga naging guest star na ito ang nagpasalamat kay Coco Martin na lead actor at direktor na rin ng nasabing serye dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kanila.

Ilan sa mga fellow celebrities na nabigyan ng pagkakataon ng 38-taong gulang na aktor na magkaroon ng guest appearance sa kanyang serye ay sina Mystica, Julio Diaz, Jao Mapa at marami pang iba.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan lamang ay isang pangalan ng dating aktres ang muling naging usap-usapan ng mga netizens.

Ang dating aktres na si Katherine Luna, na kasama ni Coco Martin sa isang indie film ay nais ng mga netizens na mapabilang sa “Ang Probinsyano.

Marami sa atin ang hindi nakaka-alam na si Kathryn at Coco ay may nakaraan. Sa kanyang ginawang indie film na “Masahista”, ay nalink ang dalawa sa isa’t isa.

Kaya naman ng lumabas sa balita na buntis si Katherine Luna, ay marami ang nagsabi na ang naturang ama nito ay si Coco. Bilang respeto naman kay Katherine at pagiging isang gentleman ay manatiling tahimik ang aktor sa usaping ito.

Taong 2014 sa isang panayam ng kolumnistang si Boy Abunda sa aktor ay naghayag ito ng kanyang damdamin sa unang pagkakataon batay sa usaping pagdadalang-tao ni Katherine na siya ang sinasabing ama ng sanggol na hindi pa isinilang ng mga panahong iyon.

Para naman kay Coco, ay maaring siya nga ang maging ama nito at handa siyang akuin at alagaan ito kung totoo nga na siya ang ama ng sanggol.

Ngunit nakakabigla ang kinalabasan ng DNA test, dahil ayon sa naging resulta nito na negative ay hindi si Coco ang ama ng anak ni Katherine.




Sa kabila ng pangyayaring ito, ay hindi na rin nagbigay ng anumang pahayag ang aktor, sinabi lang nito na matapos lumabas ang resulta na hindi niya anak ang sanggol ay ina-alala niya kung ano ang mangyayari dito.

Samantala, si Katherine Luna sa ngayon ay ilang taon ng wala sa industriya ng showbiz, ngunit ayon sa dating aktres ay nais nitong muling ibalik ang kanyang karera sa industriya ng kanyang sinimulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *