Kilalanin Ang Babaeng Nagpapatibok Ng Puso Ng Aktor Na Si Vhong Navarro

Sa kabila ng pagiging makulay ang mundo ng showbiz, hindi natin maipagkakaila na magulo ito. Maraming kontrobersiya ang bumabalot sa showbiz. Mahirap ring mapanatili na pribado ang iyong buhay kapag ikaw ay isang artista. Lahat ng atensyon ay nakatuon sa iyo lalo pa’t sikat ka. Bantay-sarado ng mga media at ng iyong mga taga-hangat at taga suporta ang iyong bawat galaw. Alam rin nila ang mga nangyayari sa iyong buhay.

Photo Credit: Vhong navarro/Google




Lingid sa kaalaman ng lahat, sa kabila ng pagiging kuwela ng TV Host at komedyante ng It’s Showtime na si Vhong Navarro, mayroon pala siyang kasintahan na matagal na niyang kinakasama. Kilala si Vhong bilang isa sa mga host ng It’s Showtime at isang magaling na mananayaw. Nito lamang ay nagdiwang sila ng kanyang kasintahan si Tanya Bautista ng kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan. Kung hindi niyo kilala si Tanya, si Tanya ang babae sa likod ng napakagandang kuwento ng programang “Halik” na sumikat noon dahil sa maanghang nitong mga eksena. Si Tanya ay isang screenwriter sa ABS-CBN.

Photo Credit: Vhong navarro/Google

Bagama’t gustong gawing pribado ni Vhong ang kanilang relasyon, unti-unti rin itong nalaman ng publiko dahil sa social media. Madalas na silang nagpopost ng kanilang litrato sa kani-kanilang social media accounts. Namataan rin ang dalawa sa mga okasyon katulad na lamang ng ikinasal si Anne Curtis na ginanap sa New Zealand.

Photo Credit: Vhong navarro/Google
Photo Credit: Vhong navarro/Google

Hindi rin naging madali ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Matatanda Ang nasangkot si Vhong sa isang kontrobersiya noong mga nakaraang taon na talagang tinutukan ng sambayanan. Maliban pa rito, hindi na rin bago ang ideya ng may mga anak na si Vhong sa kanyang mga unang asawa. Bagama’t ganito ang sitwasyon nni Vhong, tinanggap pa rin siya ni Tanya at ang kanyang mga anak. Isang patunay ito na hindi mapapantayan ng kahit anong kamalian ang wagas na pagmamahal mo sa isang tao. Mas lalo mo pa ng ang mamahalin ito dahil nais mo itong magbago mula sa kanyang nakaraan.

Photo Credit: Vhong navarro/Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *