Kilalanin Ang Babaeng Papakasalan At Nag Pa Bagong Buhay Kay Baron Geisler

Lahat tayo ay nakakagawa ng mga maling desisyon sa ating buhay kaya’t minsan tayo ay naliligaw ng ating landas. Ang iba sa atin ay agad na husgahan ang isang tao na wala na itong pag-asang magbago dahil sa mga maling nagawa niya sa kanyang buhay, ngunit may iba naman na maniniwala at magpaparamdam sa atin ng bawat pagakakamaling ginagawa natin sa ating buhay ay maaari pa nating ayusin at bigyan pa ito ng kabuluhan.

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram




Isa ang aktor na si Baron Geisler sa hinusgahan ng nakararami dahil sa maling nagawa niya sa kanyang buhay. Kilala siya bilang isa sa mga artista na mahilig sa gulo, basagulero at laging sangkot sa mga kontrobersiya. Ang ilan ay nagsasabi na wala ng pag-asa maging maayos pa ang nasabing aktor ngunit ngayon ay nakikita ng marami ang pagbabago sa pag-uugali at takbo ng pamumuhay ng aktor.

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram

Marami ang nagtatanong kung sino at ano ang dahilan ng biglang pagtino ng aktor, at narito ang kasagutan. Si Jamie Marie Evangelista ang dalagang pumukaw sa damdamin ng aktor na si Baron Geisler at ito din ang dahilan ng kanyang pagbabagong buhay. Si Jamie ay isang psychologist na nagmula sa Cebu at ngayon ay fiancée na ito ng nasabing aktor.

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram

Ibinahagi ni Baron kung paano nagsimula ang magandang samahan nila ni Jamie na kung saan ayon sa kanya ay nagsimula ang lahat sa asaran. Hindi rind aw umano siya trinato na iba ng dalaga kahit na nga alam nito na isa siyang aktor. Nagsimula din umano silang lumabas at magdate hanggang sa umusbong ang kanilang masayang samahan at damdamin nila sa isa’t isa .

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram

Nakilala na rin umano ng aktor ang pamilya ni Jamie ng official na maging silang dalawa na.
Ayon kay Baron ang dalaga ang tumulong sa kanya upang muling ibalik sa ayos ang kanyang buhay. At dahil nga sa kanyang naging pagbabagong-buhay ay lumapit agad ang proyekto kay Baron, ito nga ay ng maisama siya sa seryeng “FPJ, Ang Probinsyano” kung saan siya ay gumanap na isang kontrabida.

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram

Ayon pa din sa aktor ay nais na niyang magkaroon ng kanyang sariling pamilya kasama si Jamie at pagod na rin umano siya sa buhay na laging nasa gimik kasama ang mga barkada. Bagama’t wala pang petsa kung kalian ang nakatakdang kasal ni Baron at Jamie ay sinabi ng aktor na ang mga ito ay napag-uusapan na rin nila.

Photo Credit: jamieevangelista/Instagram




Si Baron ay isa nga sa mga taong kahit pa nalugmok sa mga maling desisyon sa kanyang buhay ay muling bumangon at binago ang kanyang sarili upang mabuti dahil na rin sa tulong ng taong nagtiwala sa kanya at nagbigay ng pagmamahal at suporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *