Kilalanin Ang Bagong Girlfriend Ni Jimuel Pacquiao Na isa Umanong Baguhang Star Magic Talent

Matatandaan na ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, ang huling nabalita na naging girlfriend ng panganay na anak ni Sen. Manny Pacquiao.

Sa magkahiwalay ngang panayam noon kana Jimuel at Heaven, ay sinabi ng dating magkasintahan, na aminado sila na hindi naging madali para sa kanilang dalawa ang maghiwalay at magkanya-kanya na ng landas.




Ngunit sa kabila nito, ay naging maayos naman ang paghihiwalay nila, dahil ayon kay Heaven Peralejo, ay mature enough na sila ni Jimuel ng mga panahong iyon, kaya naman pareho nilang na-accept na marahil ay hindi pa “right time” para sa kanila, at mas may maganda pang plano si Lord sa kanila.

Image Credit via Google

Samantala, tila naman mayroon ng bagong pag-ibig ngayon si Jimuel Pacquiao, na siyang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Image Credit via Google

Nito nga lamang nakaraan, ay naging usap-usapan sa social media, ang panganay at binatang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel, ito ay matapos ngang mapansin ng mga netizens ang di umanoy relasyon ng binata, kay Arabella Del Rosario, isa sa mga bagong talent ng Star Magic.

Image Credit via Google

Lumabas nga ang balita na ito, matapos magbahagi sa kani-kanilang social media account sina Jimuel at Arabella ng larawan nilang dalawa, kung saan ay makikita rin ang mga caption nila na talagang nakaka-intriga para sa mga netizens.

Image Credit via Google

Sa Twitter account ni Jimuel, ay makikita ang naging pag-post nito ng dalawang larawan nila ng new talents ng Star Magic na si Arabella, at ito nga ay kanyang nilagyan ng caption na;

Image Credit via Google

“Hi @arabelladelro.” Maging si Arabella, ay ipinosyt din ang nasabing mga larawan, at nilagyan naman niya ito ng mensahe na “Hi cutie”, na may kalakip pang lovestruck emoji.

Image Credit via Google

Maliban pa nga rito, ay may larawan pa ngang ibinahagi si Arabella sa kanyang Twitter, kung saan ay makikita naman na magkasama at magka-holding hands pa sila ni Jimuel, habang sila ay nasa loob ng sasakyan ng binata, na minamaneho nito.




Isa namang larawan, ang talagang pinag-usapan pa lalo ng mga netizens, at ito ay ang larawan kung saan makikita ang tangkang paghalik ni Jimuel sa kamay ni Arabella. Ang larawan na ito, ay mayroong caption na “Hi @Emannuelpacjr.”

Para naman sa mga netizens, ay tila talagang magkasintahan na ang dalawa [Jimuel at Arabella]. At dahil sa parehong talent ng Star Magic sina Jimuel at Arabella, hula ng mga netizens ay sa previous events ng ABS-CBN, nagkakilala ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *