Kilalanin Ang Bagong Kapuso Star Na Aabangan At Hahangaan Sa Telebisyon

Marami na tayong mga hinahangaan at iniidolo ng mga nagagandahang aktres sa industriya ng showbiz. At ngayon nga ay muli itong idagdag, dahil isang bagong mukha sa telebisyon ang ating masisilayan.




Isa sa mga aabangang bagong mukha ngayon sa telebisyon, ay ang magandang dilag na si Daniela Cristofani, o mas kilala sa kanyang screenname na Ella Cristofani, kung saan ay malapit na itong mapanood sa telebisyon sa GMA-7 network.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Matatandaan na unang nakilala ng publiko si Ella Cristofani ng ito ay maging kalahok ng orihinal na Kapuso artista search na “StarStruck”. Samantala, isa naman siya sa mga hindi pinalad sa nagwagi sa nasabing kompetisyon.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Sa kabila ng hindi niya pagwawagi sa StarStruck, ay nagkaroon naman ng maraming mga tagahanga ang dalaga, at maliban pa rito ay naging matibay rin ang kanyang naging pakikisama sa mga kapwa female contenders niya.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Naging daan rin ang naging pagsali niya sa StarStruck upang mapasok niya ang mundo ng showbiz, dahil doon siya unang nadiskubre.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Samantala, ngayon ay isa si Ella Cristofani, sa mga bagong mukha na aabangan ng marami sa ating mga telebisyon, kung saan ay nalalapit na niyang ipakita sa publiko ang kanyang tinatagong talento sa pag-arte.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Sa mga kumakalat ngayon na larawan ni Ella sa social media, ay talaga namang masasabi natin na siya’y isang napakagandang dalaga, dahil sa kanyang “fresh-looking” at good awra. Isa pa sa nagbibigay ng kakaibang karisma sa dalaga ay ang kayang taglay na napakaganda at maaliwalas na mga ngiti.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Maliban pa sa angking ganda, ay makikita rin sa larawan ni Ella, ang pagiging mahusay nito pagdating sa pagbagay at pagsusuot ng kasuotan, in short “fashionista”.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Isa nga sa mga larawan ng dalaga, na talaga namang hinangaan ang kanyang pagiging fashionista ay ang larawan niya kung saan siya’y naka OOTD, sa suot niyang cool at casual street style.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Ayon naman sa ilang mga ulat tungkol kay Ella, ay madalas na ito lamang ang gumagawa ng kanyang mga make-up at hairstyle sa tuwing siya ay lumalabas ng bahay, at hindi rin umano ito nangangamba ng madalas niyang pag-eksperimento sa kanyang buhok o mukha.

Photo Credit: ella_cristofani/Instagram

Sa Instagram post nga ng dalaga, ay nakikita ang kanyang bagong upload na larawan, kung saan ay talaga namang makikita na napakaganda niya, kaya naman agad na umani ang larawan niyang ito ng maraming mga papuri mula sa mga netizens na talaga namang humahanga sa kanya.




Makikita naman sa Instagram account ni Ella, na madalas itong magbahagi ng kanyang mga bagong larawan,

Samantala, wala na tayong duda sa gandang taglay ni Ella Cristofani? Ang inaabangan naman ngayon ng marami sa atin, ay ang husay at talento na ipinapakita nito sa kanyang magiging pagpasok sa Kapuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *