Kilalanin Ang Bagong Pag Ibig Ng Aktres Na Si Angelica Panganiban

Kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon, ay ang naging pagbubunyag din ng aktres na si Angelica Panganiban na siya ay may dyowa na, ito ay matapos ang ilang taon ng pananatili niyang single sa buhay.




Tama nga ang nabasa niyo, may lovelife na ang aktres at may isang tao ng nagpapasaya sa buhay pag-ibig niya ngayon.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Sa unang araw nga pagpasok ng taong 2021, ay ginulat ni Angelika ang lahat ng kanyang mga tagahanga, ng magbahagi siya sa kanyang Instagram account, ng isang larawan, kung saan ay makikita na kasabay ng selebrasyon ng lahat ng bagong taon at habang ang mga kuwitis ay nasa kalangitan,

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

ay masaya naman at sweet na sweet ang aktres na hinahalikan ang lalaking kanyang minamahal. Kalakip ng larawan na ito, ay ang caption ng aktres na;
“Kung isa kang pelikula, sana nga, wala kang ending.”

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Tila wala ngang naging kamalay-malay ang marami sa atin, na mayroon na palang napupusuan na binata ang aktres. Ngunit matatandaan naman, na minsan na siyang binubuking ng kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Kim Chiu at Bela Padilla, at ito ay ng minsang maging guest ang dalawa sa digital show ni Anggi na #AskAngelica.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Sa naturang episode nga ay makikita ang naging panunukso ng mga kaibigan niyang sina Kim, Bela at co-host nyang si Via Antonio sa kanya. Hindi naman napigilan ni Angelica na mapamura sa kakatawa, dahil sa kakulitan at panunukso ng kanyang mga kaibigan.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Tanong nga ng dalawa, “Matangkad ba yan?”, na dedma naman ni Angelica, at mas minabuti na lang na mag next topic na sila para maiba na ang usapan.

Base naman sa ilang mga naging ulat, tila bago pa nga lamang ang relasyon na ito ng aktres sa kanyang mystery boyfriend. Ito ay dahil ng makapanayam siya noon at nakatsikahan ng Bandera Showbiz Chika Balita, sa isang zoomference sa kanyang digital show, ay sinabi nito na mag-isa lang siya sa kanyang unit.

Binanggit pa nga nito na takot na takot siya dahil sa krisis at hindi niya alam ang gagawn niya. Siya din umano ang mag-isang nag-aakyat isa-isa ng mga galon ng mineral water na para inumin niya.




Ang bagong larawan ngang ito na ibinahagi ni Angelica, kung saan makikita na hinahalikan niya ang kanyang non showbiz boyfriend na kinilalang si Gregg Homan, ay umabot na sa 401 likes at 6,284 comments na pawang mga pagbati.

Ayon pa sa ilang nga ulat, nakapribado ang social media account ng non showbiz boyfriend ng aktres, kaya naman walang anumang detalye patungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *