Kilalanin Ang Beauty Queen Na Girlfriend Ng Aktor Na Si Joseph Marco

Taong 2019 ng aminin ng aktor na si Joseph Marco na idinedate niya ang Miss Earth PH 2018 na si Celeste Cortesi. Hindi nagtagal ay matagumpay na napasagot ni Joseph Marco sa kanyang naging panliligaw ang beauty queen at sila ay opisyal na naging magkarelasyon.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram




Ayon sa aktor ay proud boyfriend siya dahil sa napakaganda at napaksexy ng kanyang Filipino-Italian girlfriend, at suportado din niya ito sa career nito na beauty pageant.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Nitong nakaraan lamang ay naging usap-usapan ang magkasintahang Joseph Marco at Celeste Cortesi sa Socmed, dahil sa kanilang mga very sweet photos. Makikita sa mga larawan ang saya ng dalawang magkasintahan at talagang masasabi na bagay na bagay sila sa isa’t isa.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Sa pagbabahagi ng Kapamilya Online World ng mga larawan na ito ng magkasintahan, ay talaga namang marami ang humanga at kinilig sa mga larawan. Sa katunayan ay marami na ang natanggap nitong mga likes at komento, at tumatayong umabot na sa 48,000 ang reactions nito.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Kanya-kanyang komento naman ang ibinigay ng mga netizens sa mga larawang ito ng magkasintahan Joseph at Celeste. Narito nga ang ilang sa mga komento na mababasa na mula sa mga netizens;

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

“Finally finally, Philippines have produced some perfect couple, I mean they suit each other just fine unlike some people…”

“Sino ba naman ang hindi maging proud sa ganyan kaganda ng girlfriend”
“Mukhang napakabait na tao ni Joseph Marco, both are lucky to have one another.”

Ilan pa sa mga komento ng ilang netizens ay ang pagkakahawig umano ni Celeste sa ilang mga kilalang celebrity katulad na lamang ni Angelina Jolie, Jennylyn Mercado, Regine Tolentino, Arci Muñoz, Megan Young, Kelsey Merritt, Anne Curtis at iba pa ngang celebrity actress na hawig sa nasabing dalaga.




Matatandaan naman na naging katambal ni Joseph Marco si Ritz Azul sa seryeng “Los Bastardos”, na kung saan ang kanilang loveteam ang isa sa pinaka aabangan sa seryeng ito. Marami rin ang nagsabi na bagay sila ni Ritz Azul, at napabalita pa nga noon na niligawan siya ng binata na agad namang nilinaw at pinabulaanan ng aktres.

Talaga namang bagay na bagat ang magkasintahang Joseph Marco at Celeste Cortesi, dahil sa kanilang mga larawan ay makikita kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *