Kilalanin Ang Blue-Eyed Daughter Nina Lotlot De Leon At Ramon Christopher Na Si Jessica Gutierrez

Alam niyo ba na may blue-eyed daughter sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher? Si Jessica Gutierrez, ay isa sa mga anak ng dating mag-asawang Lotlot at Ramon Christopher, na talaga namang makukuha ang atensyon nino man dahil maliban sa kanyang napakagandang mukha, ay kapansin-pansin din ang kanyang blue-eyes.




Ipinanganak noong April 15, 1992 ang blue-eyed daughter ng dating mag-asawa na pinangalanan nilang Jessica Gutierrez.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Bata pa lamang ito, ay lagi na itong napagkakamalan na anak ng isang foreigner dahil sa taglay niyang blue-eyed color ng kanyang mga mata at natural brunette na kulay ng buhok.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Talaga namang, nasa dugo ng mga Gutierrez ang pagiging isang maganda, tulad na lamang ng kanyang ate Janine (actress Janine Gutierrez) na kung saan ay makikita sa larawan na bata pa lamang silang dalawa ay malapit na sila sa isa’t isa.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Hindi nga lang sa kanyang ate Janine, malapit si Jessica, dahil isa rin siyang Mama’s Girl at Papa’s girl. Maging sa kanyang ibang mga kapatid na sina Diego at Max, at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay talaga namang malapit ang dalaga.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Sa kanyang kaarawan, ibinahagi ni Lotlot na hindi lang niya basta anak si Jessica, kundi ito ay kanyang “confidante at friend”. Makikita rin sa isang larawan, kung gaano kalapit si Jessica sa kanyang amang si Ramon Christopher.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Isa sa mga kahanga-hanga pa sa dalaga, ay pagiging isang dog lover nito, na kung saan sa kanyang Instagram ay makikita kung gaano siya mapagmahal sa kanyang mga alagang aso. May iniligay pa ngang sariling dedicated highlight sa kanyang Instagram ang dalaga para sa kanyang mga alagang aso, at ito ay ang section na “Bubs”.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Maliban sa kanyang hilig sa pag-aalaga ng aso, ay mahilig din ang dalaga sa pagta-travel sa iba’t-ibang bansa o di kaya naman ay ang magbabad sa mga beaches.

Photo Credit: jessicacdg/Instagram

Ilan sa mga wonderful destination na kanyang napuntahan ay ang Tokyo, New York, Boracay, Bohol, Singapore at Los Angeles.

Ang kanyang beau o nobyo, ang minsan ay kasama ng dalaga sa kanyang mga travel adventures na ito, lalo panga kapag siya ay bumisita sa mga beaches na talaga namang isa sa mga paboritong puntahan ng dalaga.

Tama nga kayo sa iyong nabasa, mga boys, sorry dahil ang magandang dalagang ito ay in a relationship na kay DJ Jelo Andres ng Play FM 99.5.

Sapagkat nagmula sa isang kilalang pamilya sa industriya ng showbiz, ay hindi naman maiiwasan na makakilala ang dalaga ng iba’t ibang mga actor at actresses sa industriya. At isa nga sa kanyang mga nakilala at nameet na personally ay si Alden Richard, ang tinaguriang Asia’s Multimedia Star.

Alam niyo rin ba? na bata pa lamang ay kasama na si Jessica sa isa sa mga naging cover ng isang family magazine, ang 1991 edition ng “Gintong Mariposa”, kung saan ay kasama niya rito ang kanyang mamita na si Pilita Corales, mom Lotlot De Leon at kanyang kapatid na si Janine Gutierrez.

Kung tatanungin niyo naman ang edukasyon na mayroon ang dalaga, siya ay nagtapos ng kanyang kolehiyo sa Unibersidad ng Ateneo De Manila.




At sa kanyang yearbook ay ibinahagi ng dalaga, na nararamdaman niya ang pagiging isang tunay na Atenean, matapos niyang bumalik dito mula sa kanyang Junior Term Abroad Program at maramdamang muli ang maglakad sa “red brick road or sitting across the SocSci building”.

Ano ang masasabi niyo sa maganda at blue-eyed na anak na ito nina Lotlot at Ramon Christopher? Kung marami pa kayong mga nais malaman tungkol sa kanya, ay i-follow niyo siya sa kanyang Instagram, account na “jessicacdg”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *