Kilalanin Ang Certified Hot Mommy At Cool Daddy Ni Dabarkads Host Pauleen Luna

Si Pauleen Luna ay isa sa sa mga sikat at popular na Dabarkad’s host ng longest running noontime show na Eat Bulaga. Kilala din siya ngayon bilang ang napakagandang misis ng beteranong TV host at komedyante na si Bossing Vic Sotto.




Bago pa man umano nakilala ni Pauleen ang asawa niyang si Vic, ay may goal na ito na pasukin ang hosting at acting. Ito nga ay dahil noon pa mang bata pa lang siya ay talagang malakas na ang kanyang confident sa kanyang sarili. Pinalaki umano si Pualeen ng kanyang mga magulang na God-fearing child at malakas ng confidence.

Photo Credit: chat.luna/Instagram

Ang butihin at coolest mom nga ni Pauleen at grandma ng kanyang anak na si Talitha Sotto, ay walang iba kundi ang kanyang mommy Chat Luna, samantala ang kanya namang coolest dad na asawa nito ay si Eugenio Luna.

Photo Credit: chat.luna/Instagram

Marami ang nagsasabi na certified hot mommy at daddy ang ina at ama ni Pauleen, dahil sa kahit na may edad na ang mga ito ay nanatili namang fit ang kanilang pangangatawan. Ito nga ay dahil sa pinapanatili umano ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagwo-work out nilang dalawa.

Photo Credit: chat.luna/Instagram

Ayon sa mga ulat, kaya fit na fit pa rin ang mag-asawa sa kabila ng edad ng mga ito ay dahil isa sa paborito nilang libangang dalawa ay ang mag-Zumba.
Makikita nga sa larawan ng mga magulang ni Pauleen na pareho pang malakas at masigla ang mga ito, at dahil nga sa parehong fit ang kanyang ama at ina, ay hindi naman mapaghahalata ang tunay nae dad ng mag-asawa.

Photo Credit: chat.luna/Instagram

Batid naman ng marami sa atin na ang mga magulang ni Pauleen na sina Mommy Chat at Daddy Eugenio ay mayroon ng kauna-unahang apo kay Pauleen at sa asawa nitong si Vic, at ito nga ay nakakagigil sa kakyutan na si Talitha na mas kilala nga bilang si Baby Tali.

Photo Credit: chat.luna/Instagram

Matatandaan na si Baby Tali ay isinilang ni Pauleen via cesarian section, at matapos niya itong isilang ay agad niya ngang ibinahagi ang larawan ng napaka-kyut niyang anghel sa kanyang Instagram na may caption na;




“Our Baby girl Talitha Maria Luna Sotto. God’s give. Happiest time of our life. we love you much Tali.” Kita nama sa mga larawan ni baby Tali, kung saan kasama niya ang kanyang granma at grandpa na mahal na mahal siya ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *