Kilalanin Ang Dalagang Dalaga Na Goin’ Bulilit Star Na Si Eliza Pineda

Napakabilis na talaga ng panahon ngayon. Hindi na natin namamalayan ang paglago ng ating mga buhay at ang paglaki ng ating mga anak. Hindi na rin natin namamalayan ang mga pagbabago sa ating paligid dahil sa sobrang dami nating ginagawa sa buhay. Hindi na rin natin napapansin ang mga artistang lumisan sa isang network at lumipat sa kabilang network. Lingid sa ating kaalaman, ang mga batang noo’y ating kinukunan ng kasiyahan dahil sa pagiging cute ay naging dalaga at binata na rin katulad ng pagdadalaga at pagbibinata ng ating mga anak. Ilan sa mga batang artista noon na nagpapasaya sa atin sa Goin’ Bulilit ay mga ganap nang “adult” ngayon.

Photo Credit: @mariaelizapineda/Instagram




Kabilang sa mga ito ay sina Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Nash Aguas at syempre, si Eliza Pineda. Kilala bilang Eliza Pineda, umusbong ang kasikatan ni Maria Eliza Pineda Bautista noong pumasok siya sa Goin’ Bulilit. Ito ang nagbukas ng pintuan para siya ay makapasok sa showbiz sa murang edad. Isa sa mga pinakamalaki niyang tagumpay ang noong bumida siya sa programang Maria Flordeluna. Bukod sa Goin’ Bulilit, kabilang rin si Eliza noon sa programang Kung Fu Kids.

Photo Credit: @mariaelizapineda/Instagram

Matapos ang kaniyang matagumpay na pag-usbong ng karera sa ABS-CBN, naisipan niyang lumipat ng kabilang bakod upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista. Kasalukuyang nasa puder ng GMA Network si Eliza ngayon. 23 taong gulang na ang aktres na noo’y aking batang kinagigiliwan.

Photo Credit: @mariaelizapineda/Instagram

Bagama’t wala pang masyadong pelikula at programa, may iilan na ring proyekto si Eliza. Hindi tulad noon, mas naging malawak ang kaniyang kayang gawin. Ang noo ay isang bata, ngayon ay nafefeature na sa isang men’s magazine. Bagama’t ganito, buo pa rin ang suporta ng kanyang pamilya sa kanyang nais gawin. Hindi pa rin naman mawawala ang kanyang kasikatan dahil marami rin ang kanyang followers sa social media katulad na lamang ng kaniyang Instagram account na mayroong 160K na followers.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *