Kilalanin Ang Dalagang Kinoronahan Noon Bilang Beauty Queen At Ngayon Ay Isang 2nd Lieutenant Army

Sa panahon nga ngayon ay masasabi natin na halos lahat ng bagay na kayang gawin ng kalalakihan, ay nagagawa na rin ng kababaihan. At kung noon, ay nasa bahay lamang ang mga kababaihan,




ngayon ay talaga namang kayang kaya ng makipagsabayan ng maraming mga kababaihan sa kung ano ang career ng isang lalaki, kagaya na nga lamang ng pagpasok sa pulitika o di kaya naman ay pagiging isang pulis o sundalo.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

Tulad nga ng ibang kababaihan, ay pinatunayan ng kinoronahan bilang Miss Air Philippines 2018 na si Zahra Bianca Saldua, na hindi lang pang beauty queen ang taglay katangian na hahangaan ng maraming mga kababaihan.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

Dahil maliban sa ganda at talion, ay may angking lakas at tibay ng loob din siya, na maipagmamalaki, kaya naman mula sa pagiging isang beuty queen ay matagumpay niyang natupad ang pangarap niyang maging isa sa mga Philippine Army Reserve Force.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

Ayon nga kay Zahra, noon pa mang nasa kolehiyo siya, ay pangarap na niya ang makatulong sa nakararami, at ang makapasok bilang isang army sa Philippine Army. Kaya naman noong pumasok siya sa kolehiyo, at mayroong ROTC, ay talaga namang pinagbutihan niya, dahil alam niya na magagamit niya kung ano man ang matutunan niya dito para matupad ang pangarap niyang maging isang army.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

“Since I was in college being part of ROTC, I always wanted to help people and I want to be part of future of the Philippine Army being its representative to the public.”

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

“I have been with the army for 3 years as their host for many events and saw the love they have for the country and its people. This is a dream come true and I hope I can influence more of out youth to the people as well”, saad nga ni Zahra sa kanyang Facebook post, ng ibahagi niya ang naging matagumpay niyang pagtupad sa kanyang pangarap.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

Taon ngang 2016 ng maging host si Zahra ng ‘Senior Leaders Conference’ ng mga army, at sa tatlong taon nga niyang pagiging isang host, ay doon siya mas namulat pa sa nais niyang maging isang miyembro ng army reserve.

Photo Credit: zbsaldua/Instagram

Naging aktibong miyembro siya ng army reservist, kung saan ngayon nga ay isa na siyang 2nd lieutenant. Pinasasalamatan naman ng dalaga, ang lahat ng mga opisyal ng Philippine Army Reserve Force na tumulong sa kanya, upang mapagtagumpayan niya na makamtan ang pangarap niya.




Maliban pa dito ay pinasalamatan din niya ang lahat ng naniwala sa kanyang kakayahan at sumuporta, kung kaya naman ngayon nga ay natupad na niya ang pangarap niyang maging isang tagapang lingkod ng ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *