Kilalanin Ang Dating Beauty Queen At Aktres Na Umamin Na Isa Na Siyang Waitress Ngayon

Si Rich Asuncion ay isang dating beauty queen at kilalang aktres sa industriya ng showbiz sa ilalim ng pamunuan ng GMA-7 Network, ngunit ngayon ay naninirahan na ito sa bansang Australia kasama ang kanyang partner at anak.



Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ng Ika-6 na Utos star na ang pagma-migrate nila sa ibang bansa ay hindi naging madali.
Kasama ang kanyang Australian partner at baby girl na si Bela, ay nagsimula ng panibagong buhay sa bansang Australia si Rich.
At ayon nga sa dating beauty queen, naging mahirap para sa kanya ang pagbabago at pag-adjust sa buhay sa ibang bansa, lalo na’t ng dumating sila sa Australia noong February 2020 ay kasagsagan ng pagdami ng kaso ng Covid-19.
Kahit pa nga ba isang Australian National ang partner ni Rich, ay kinailangan niya pa rin umano ng oras para makapag-adjust sa buhay doon. At upang hindi mawala ang kanyang confidence at malibang ang sarili, ay naghanap ng trabaho ang aktres.
Narito ang naging post ni Rich Asuncion;
“Simulan natin ang post na ito ng masaya.” “Napakasaya ko ngayong araw, dahil natanggap ko na ang una kong sweldo…. At sa wakas, ay di na ko nalulugmok sa lungkot.”
“Malaking bagay ito, dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya”, saad nga ni Rich.
Ayon nga sa aktres, ay marami ang mga oportunidad sa Australia basta hindi ka lang maging mapili sa trabahong nais mo pasukin. “Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili.”
“So yun nga, dahil hindi ako nagpaka-choosy [laughing with tears emoji] sinubukan ko na ang pagwi-waitress. Casual job at restaurant”, saad pa nga ni Rich. Inamin din ng Kapuso actress na noong una’y nahirapan siya tanggapin, ngunit kalaunan ay na-realize din niya na anong masama sa pagiging isang waitress eh halos parte pa rin naman ito ng kursong Tourism na kinuha niya noon sa UP.
Ayon pa din kay Rich, sa mga ganitong panahon, na nabigyan siya ng pagkakataong kumite at makapagtrabahong muli, ay wala siyang karapatang mag-inarte lalo a at alam niya namakakatulong ito sa kanila. “At wala akong karapatan mag-inarte, kasi nabigyan ako ng panibagong chance to start a new,” dagdag pa nga ng aktres.



Nagbigay din ng payo ang aktres para sa mga taong tine-take for granted ang mga privilege na dumarating sa kanilang mga buhay. “My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after the andemic. And that’s all that bad.”
“To be able to survive through this is already a blessing. As hard it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion. “Be grateful because some people have lost more than what you really have.” Mas marami pa ngang mga tagahanga ni Rich, ang mas lalo pang humanga, nirespeto at minahal siya dahil sa trabaho niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *