Kilalanin Ang Dating Kilala At Napaka Gwapong Aktor Na Nobyo Ngayon Ni Dawn Chang Ng PBB

Marami sa atin ang nag-aakalang ang buhay artista ay puro lamang pagpapaganda at pagpapasikat, hindi natin naiisip na ang kasikatan at pera ay may malaking kabayaran. Para sa maraming artista, hudyat ito ng paglisan nila sa kanilang pribadong buhay. Kaya naman napakadaming personalidad ang hindi masyadong hayag tungkol sa sa kanilang relasyon.




Ngunit siyempre, mas malakas pa rin ang pagmamahalan ng dalawang tao kumpara sa mga komento ng mga tao kaya naman pinipili ng iba na ihayag ang estado ng kanilang buhay pag-ibig. Katulad na lamang nina Dawn Chang at Justin Cuyugan.

Enero ng kasalukuyang taon nang ianunsyo nina Dawn at Justin sa publiko ang kanilang relasyon, itoy matapos mapansin ng mga tao ang mga sweet posts ng dalawa sa social media. Makikita sa larawan na nagbabakasyon ang dalawa sa Amerika. Kasunod nito ang pag-amin ni Dawn kay DJ Jai Ho sa pamamagitan ng panayam sa telepono sa Hot Spot.
I guess its safe for me to say that were together, sabi ni Dawn.




Binahagi ni Dawn kung gaano kabukas ang pagiisip ni Justin kaya naman nagagawa niyang magkuwento sa kaniya ng kahit ano. Puwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgment siya iyong taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin.

Hanggang sa kasalukuyan, nanatili pa ring in-love ang dalawa base na rin sa mga pinopost nilang litrato sa social media. Nitong nakaraang Oktubre lamang ay nagdiwang si Justin ng kaniyang kaarawan kung saan binati naman siya ng dating PBB Housemate sa Instagram.
Happiest Birthday my love. You make me happy, kilig, hungry, laugh, sad, upset and you will make me feel more out of this world kind of emotions but I will still love you nonetheless. You taught me so much in life. Youre an amazing person. I love you bubba.




Sa kabilang banda, mukhang proud naman si Justin kay Dawn base sa mga larawang binabahagi nito sa Instagram. Bagamat hindi masyadong kahabaan ang kaniyang caption, sinisigurado niyang maipapahayag niya ang kaniyang pagmamahal.
Its always better when were together, sabi ni Justin sa isa sa mga litratong ibinahagi niya sa Instagram.

Mukha namang masaya ang sila sa piling ng isat-isa. Matatandaang naugnay na si Dawn sa mga aktor na sina Arron Villaflor at Zeus Collins. Hiwalay naman si Justin sa kaniyang asawa at mayroong tatlong anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *