Kilalanin Ang Dating PBB Housemates Nasa Bansang Japan Na Ngayon Ay Nagtatrabaho Bilang Isang Saleswoman

Dahil sa pagkakaroon ng krisis, ay marami sa mga celebrity na nag-uumpisa pa lamang ng kanilang karera, ang pansamantalang naghanap muna ng iba trabaho o mapagkakakitaan, dahil nga sa wala sila masyadong proyekto ngayon.




Isa na nga sa mga ito, ay ang dating PBB housemates na si Miho Nishida, na ngayon nga ay kasalukuyan ng nasa bansang Japan at doon ay nagtatrabaho bilang isang saleslady.

Photo Credit: real.miho_nishida/Instagram

Ayon nga sa naging ulat, kinailangan ni Miho ang maghanap ng ibang trabaho sa ngayon, dahil sa kailangan niyang mag-provide para sa pangangailangan ng kanyang anak, at ganun din sa kanyang ina.

Photo Credit: real.miho_nishida/Instagram

Nang magkaroon nga ng lockdown, ay walang naging trabaho si Miho sa showbiz, kaya naman ang pinagkakakitaan lamang niya ay ang pag-endorse niya, at pinasok din umano niya ang pag-online selling sa Instagram.

Photo Credit: real.miho_nishida/Instagram

Ngunit dahil nga sa naninirahan sila sa isang condominium, at marami rin ang kanilang ginagastusan para sa kanilang pangangailangan, ay hindi nagiging sapat ang kanyang kinikita. Kaya naman sa bandang huli, ay nagdesisyon nga si Miho na magtungo sa bansang Japan.

Photo Credit: real.miho_nishida/Instagram

Marami ang nakababatid sa atin na si Miho, ay isang half Japanese-half Filipina, at siya rin ay lumaki sa bansang Japan, kaya naman hindi magiging mahirap sa kanya ang makapaghanap ng trabaho sa naturang bansa.

Photo Credit: real.miho_nishida/Instagram

Sa ngayon nga, ay nasa Japan si Miho, at doon ay nagtatrabaho siya bilang isang saleslady ng mga cosmetic brand. Dahil dito, ay masaya siya at nakapagpapadala na siya sa Pilipinas, ng sapat na pang-gastos ng kanyang ina, at ng kanyang anak na nanatili nga sa bansa.

Tanong naman ng marami ngayon? Tuluyan na bang iiwan ni Miho ang showbiz? At mag-stay for good na ba to sa Japan? Nagbigay pahayag naman ang manager ni Miho, patungkol dito, kung saan ay sinabi nga nito na pansamantala lamang sa Japan ang dating PBB housemates, dahil babalik din ito para sa isang proyekto niya sa showbiz.

“Babalik din naman siya. May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbis na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan.




Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanyang anak at nanay”, saad nga ng manager ni Miho. Nakilala si Miho Nishida sa mundo ng telebisyon ng siya nga ay mapabilang sa reality TV show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *