Kilalanin Ang Gwapo At Talentadong Anak Ni Nadia Montenegro Na Si Xander Asistio

Dekada 80 ng sumikat ang aktres na si Nadia Montenegro, kung saan ay napanood ng marami ang kanyang husay at talento bilang isang aktres sa maraming mga pelikula at teleserye.




Dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte, ay naging maganda nga ang takbo ng kanyang karera, kaya naman ilang isang aktres at napapanood pa rin natin sa ilang mga serye sa ating mga telebisyon.

Photo Credit: xanderasistio/instagram

Maliban naman sa pag-arte, ay mahusay rin si Nadia sa pagluluto, kaya naman ngayon ay isa na rin ito sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Siya ay gumawa ng kanyang YouTube channel na isang cooking show, kung saan iba’t ibang mga masasarap na food recipe ang kanyang ibinabahagi sa kanyang mga tagasubaybay.

Photo Credit: xanderasistio/instagram

Samantala, hindi lamang sa pagiging isang mahusay na aktres at magaling sa pagluluto hahangaan si Nadia, dahil mas kahanga-hanga pa ang kanyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na ina sa kanyang walong mga anak.

Photo Credit: xanderasistio/instagram

Si Nadia Montenegro ay ikinasal na sa dating alkalde ng Caloocan City, ang yuma0 ng si Boy Asistio. Sila ay nagkaroon ng walong anak, kung saan pito rito ay babae, at nag-iisa naman ang kanilang anak na lalaki.

Photo Credit: xanderasistio/instagram

Ang kaisa-isang anak na lalaki ni Nadia, ay kinilalang si Antonio Alexander o kilala rin sa tawag na Xander. Hindi madalas marinig ng publiko ang pangalan ng unico hijo ni Nadia, hindi katulad sa ilang mga anak nito na babae na sumunod na sa kanyang yapak at pinasok na rin ang mundo ng showbiz.

Photo Credit: xanderasistio/instagram

Kahit naman hindi matunog ang pangalan ni Xander, ay hindi naman maikakaila na siya ay may angking kagwapuhan na pwede ring isabak sa pag-aartista.
Nabiyayaan rin si Xander ng angking talento sa pag-awit,

maliban sa kanyang mala-artistahing kagwapuhan. Ang kanyang husay sa pag-awit ay madalas niyang ipinamamalas kapag nakaka-duet niya ang kanyang ate Yna sa song cover nito sa YouTube.

Tulad din ng ibang mga binata ay mahilig din sa sports si Xander, sa katunayan ay isa siyang manlalaro ng basketball sa kanilang paaralan. Isa sa pa sa mga kinahihiligan ng binata ay ang pagbibisekleta na nagsisilbi na rin niyang ehersisyo.

Ayon naman sa ilang mga ulat, si Xander ay nagtapos na ng kanyang kolehiyo noong buwan ng Hulyo nung nakaraang taong 2020 sa Far Eastern University sa kursong Political Science. At sa naging pagtatapos nga niya, ay inialay niya ang kanyang diploma sa yuma0 niyang ama.




Makikita naman sa social media ng binatang anak ni Nadia Montenegro na si Xander, na siya ay may makulay na buhay pag-ibig ngayon, at ito nga ay sa piling ng kanyang girlfriend vlogger na si Kaila Concepcion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *