Kilalanin Ang Gwapong Anak Na Lalaki Ng Batikang Aktres Na Si Jean Garcia

Binata na ngayon ang anak na lalaki ni Jean Garcia na si Kotaro Shimizu, at makikita rito na tulad ng kanyang ina ay may taglay rin itong karisma.



Sa kanyang social media accounts, ay proud na nagbahagi ang aktres na si Jean Garcia, ng mga larawan ng kanyang gwapong anak na si Kotaro.
Image Credit via Google
Matatandaan na si Kotaro Shimizu, ay anak ng aktres sa isang Japanese advertising executive, kaya naman agad mapapansin sa anak na ito ni Jean ang pagiging singkit ng mata nito, dahil sa pagkakaroon nito ng lahing Hapon.
Image Credit via Google
Nakilala ni Jean ang ama ni Kotaro, ng ang aktres ay magtrabaho noon sa Japan bilang isang singer sa Hotel. Hindi na rin naman binanggit pa ni Jean ang pangalan ng ama ni Kotaro, dahil ayon dito ay matagal ng tapos kung ano man ang naging relasyon niya rito.
Image Credit via Google
Samantala, ilan ang mga Tiktok videos ni Kotaro ang ibinahagi ni Jean Garcia sa kanyang social media accounts, at ito nga ay nilakipan niya ng caption na;
“My Baby love. Binata na talaga ang anak ko.” #proudmama
Image Credit via Google
Marami naman sa mga tagahanga ni Jean Garcia, ang nagbigay ng papuri at paghanga sa video ng anak ng aktres kung saan ay nakaka-aliw naman talaga ito.
Image Credit via Google
Ayon naman sa GMA, ang madalas na nagiging bonding ng mag-ina ay ang panonood ng mga pelikula, o di kaya naman ay ang mag-travel sa iba’t ibang magagandang lugar.
Image Credit via Google
Mahilig rin umano ang 16-taong gulang na bata na maglaro ng basketball, at sa katunayan ay isa sa mga pangarap nito ay ang makapanood ng NBA game live, kung saan ay natupad na ng makapunta siya sa Staples Center.
Kung babalikan naman natin ang naging istorya ng buhay at relasyon ni Jean sa tatay ni Kotaro na isang Japanese, ay sinabi ng aktres noong taong 2017 ng siya ay magkaroon ng panayam sa GMA News Online, na wala na siyang anumang pinansyal na suporta na natatanggap mula sa ama ng kanyang anak.



Dagdag pa noon ng aktres, ay hindi naman yun mahalaga dahil ang mahalaga umano sa kanya ay ang nagkaroon sila ng anak, kung saan ay napaka-pogi at napakabait.
“Ang mahalaga lang sa akin ay nagkaroon kami ng anak, and I want to thank him for being the father.”
Naibahagi rin naman ng aktres kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ng ama ni Kotaro, at ayon nga kay Jean ay ang nais nito ay ang mamalagi siya sa Japan at ang maging full-time housewife nito na para naman sa aktres ay hindi bagay sa personalidad na meron siya. “Hindi bagay sa akin”, saad nga ni Jean.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *